Inlove

39 2 0
                                    

Florence Pov

Papunta ako ngayon sa babaeng pinakamamahal ko..Hehehe baduy na kung baduy pero pagtinamaan ka na ng salitang love!!...ewan ko na lang kung hindi ka pa maMario Maurer sa kilig..Hehehe ang corny ko nohh.Pero balik tayo sa love story ko.Well kung tinatanong niyo kung excited ako pwes nagkakamali kayo kasi kulang ang salitang excited sakin.Ikaw ba naman magbihis ng apat na oras.Pero don't get me wrong,hindi ako pagong.Sadyang hindi talaga ako makuntento sa mga susuotin ko...Aba syempre isang Stacey Lee lang naman ang syota ko.Pero parang pamilyar talaga ang mukha at apelyedo ni Stacey sakin.Pero it doesn't matter anyway kasi ang importante ay kami na..Yesssss!! kami na kaya kung ako sa inyo ay papahintuin niyo na ako sa pagkwekwento kasi baka sa sobrang kilig ko ay mabunggo ako..Pero alam ko na lahat kayo ay nagtataka kung bakit ako nainlove kay Stacey..Well simple as math lang naman sagot diyan at ang sagot diyan ay..

Flashback...

"Good Morning class..".Kakapasok lang namin ni Stacey dito sa classroom at saktong pag-upo namin ay biglang pumasok ang guro namin kaya hindi ako maka damoves kay Stacey.Pero hindi talaga ako mapakali kasi parang meron siyang kamukha kaya sinusuri ko talaga ang bawat anggulo ng mukha niya.

"What?".Parang naiilang na tanong niya.Pero hindi ko na siya sinagot at binigyan ko na lang siya ng isang matamis na ngiti,at naging dahilan upang umiwas siya ng tingin.Hehehe sabi na nga ba....Walang hindi kikiligin kay Florence Chua.Pero hindi ko akalain na gagantihan niya rin ako ng ngiting pang diyosa..dug...dug..dug..Parang nag slow mo ang paligid na tanging siya na lang ang nakikita ko..At lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng bigla siyang ng nagsmirk, dahilan upang lumubog ang butas sa kanyang mukha o dimples..STACEY LEE sino ka ba talaga?







A Good Sister RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon