The Truth

31 0 0
                                    

Stacey Pov

Nakahiga ako dito sa kama ko habang hinihintay ang text ni Florence.Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin kapag kasama ko si Florence.Yung feeling na kapag kasama ko siya yung parang kampante ako at parang ang saya-saya ko..Pero erase erase erase hindi pwede tong nararamdaman ko.Masisira ang plano ko dahil sa nararamdaman ko pero hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko.Florence Chua ano ka ba talaga para magdusa ang mga babaeng tulad ko..

Aha listen boy!! my first love story..

Hello Micah..bakit?

(Hoy Stacey baka nakakalimutan mo yung sasabihin mo sa akin..) sigaw ni Micah sa kabilang linya ng telepono..

Hahaha..hindi mo talaga nakalimutan yun..Pero as expected si Micah ka nga naman..Ang babaeng hindi nakalimut..sagot ko sa kanya.

(So pupunta ako dyan sa inyo?)

May magagawa pa ba ako??

(Meron at yun ay ang maligo ka na at mag-ayo-ayos kasi papunta na ako dyan)

Wow..Hindi mo naman sure na papayagan kitang pumunta dito.. noh?

(Hahaha..No..actually nagugutom na ako kaya kung pwede sana paki sabihan si manang na magluto ng espesyal niyang adobo....Bye..)and she hung up..

"Hay"...hindi ko talaga alam kung pano ko siya naging kaibigan..Well wala nga pala akong choice kaya naging kaibigan ko siya..

After 30 minutes

tok...tok...tok...

"Ma'am Stacey may bisita ka po.."

"Sige po baba na ako.Pakisabi na lang po kay Micah na maghintay na lang po siya muna sa sala"

"Sige po ma'am!"

----

Pagbaba ko sa sala ay naka-abang na sa akin ang babaeng naka taas ang kilay

"Alam mo dapat sinabihan mo sana si manang na isang oras ka pa baba para kumain na muna ako sa labas para hindi ako naghintay sayo ng isang oras.."sigaw sakin ni Micah habang naglalakad ako pababa ng hagdan.

"Grabe ka naman.Eh ikaw nga dyan isang araw muna ang aabutin para makababa ka sa sala niyo"

"Hoy! wag na wag mo akong babaliktarin kung ayaw mong dila mo ang baliktarin ko!"

"Oh siya siya sorry po"..ginaya ko pa si Chichay para masaya.

"oh sige na at baka masabunutan pa kita"..umupo na ako baka masabunutan pako nitong bruhang to.

"Eh yun naman pala..Ano nga yung pinunta mo dito?"

"Yung kay Florence"

"Hayy!!..hindi ka talaga titigil hanggat hindi ko sinsabi sayo"ang kulit talaga nitong babae nato.Pasalamat siya nasa mood ako ngayon.

"So ano na ang plano mo?"

"Ayun paasahin siya at pagkatapos ay saktan siya".Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko pero ito ang dapat kong gawin kaya minabuti ko na lang ipagpatuloy ang plano ko para naman makabawi ang mga kapatid ko sa kanya..

"Grabe ka Stacey..Hindi ko alam na kayang mong gawin yan kay Florence.."..Gawin?..Dati siguro Oo pero ngayon parang hindi ko na kaya...Ewan ko ba parang naglalaban ang puso't-isip ko.Pero sabi nga nila utak ang gamitin hindi ang puso.Kasi once na nasaktan ang puso mo!!..Ewan ko na lang kung hindi ka ma Wrecking Ball sa sakit..Hayy!!..Bahala na nga si kupido..

"Hahaha dapat lang yan sa kanya kasi kung hindi dahil sa kanya sana masaya ako dito sa pilipinas kasama ang mga kapatid ko na sinaktan niya..Nag fake laugh na lang ako para hindi niya mahalata.

Nagkwekwentuhan kami ni Micah tungkol sa K-pop ng biglang dumating si manang na may dalang 3 juice at sandwich.

"Oh! asan si Florence".bungad ni manang pagdating niya dito sa sala.Pero tama ba ang narinig ko..Si Florence daw andito?

"Si Florence po?"..tanong ni Micah kay manang

"Oo kanina andito diya"..Sagot ni manang..Pero hindi kaya narinig ni Florence ang pinag-usapan namin ni Micah?





A Good Sister RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon