*Chase POV*
Search: Maru Madrigal . . . . puro lalaki naman? Baka nga bakla talaga siya? Well pedeng pede dahil lalaki siya kumilos. Nasa kwarto ako ngayon, nakaharap sa laptop ko at nagsesearch sa FB ng Maru Madrigal pero wala talaga, kadalasan ay matandang lalaki o kaya masyadong batang lalaki. In short puro lalaki. Ang hirap naman pala hanapin nung babaeng mangkukulam na yon. OO mangkukulam! Para niya kong kinulam dahil kahapon pa ko nakaupo at hinahanap siya mapa FB, twitter, maski ibang site ay pinasok ko na, nagbabakasakaling makita ko yung mukha niya. Sisisihin ko lang naman siya dahil tatlong oras lang halos ang tulog ko dahil sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro ay kung nagpakilala lang siya ng maayos at nagpakafan girl o hater ng maayos ay hindi ko siya iisipin ng halos dalawang araw.
Para kong tangang gigising, magtu-toothbrush at maghihilamos tapos ay uupo na sa kama para maglaptop at hanapin siya sa kung saan-saang site. Tatayo lang ako kapag nagugutom o kaya ay naiihi. Sa gabi naman ay maliligo lang ako at magdidinner at pagkatapos nun ay babalik ako sa harap ng laptop. Ni hindi ko siya mapagtanong sa group at fan page na ginawa ng mga fans ko para sa akin at sa buong group ng knights dahil baka isipin nila ay may gusto ako doon at malaking issue yon Tss, hinahanap ko siya dahil may atraso siya sakin! Bakit hindi niya kilala ang isang Chase Hidalgo? Sabihin na nating hindi siya nagyou-youtube, hindi rin ba siya nanunuod ng TV? Isa ako sa mga player ng basketball ng University namin at ini-air iyon sa isang channel at may mga commercials din ako. Ang tanga tanga naman niya. Nakakababa ng ego.
“AHHHH! Ayoko na! Sige na. Hindi na kita hahanapin. Bwisit kang mangkukulam ka!” napasigaw na lang ako sa inis dahil hindi ko talaga siya makita. Bababa na lang ako at kakain. Sa tingin ko ay nandun pa sila mommy sa dining. Pasalamat na lang talaga ko at binigyan kami ng oras para naman makapag-enroll at asikasuhin ang school stuff naming anim kaya may pahinga ako. Sa totoo lang ay hindi ako ang nag-ayos ng enrolment ko at pinasabay ko na lang dun sa lima. Nagsinungaling ako na masama ang pakiramdam ko pero ayon ako sa kwarto at hinahanap ang mangkukulam na yon.
“Hi baby! Salamat naman at nagawa mo naring bumaba sa kwarto mo. Okay ka naba? Ang sabi sakin kanina ni silver ay may sakit ka daw kaya hindi ka nakasama sa kanila kahapon.” Pagkababang pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni mommy at hinawakan ako sa leeg at noo. Napabuntong hiningan naman ako dahil nakakakonsensya naman ang ginawa ko.
“O-opo m-mommy okay na okay na h-hehe.” Sabi ko at niyapos siya. Ang sweet ko talaga hahaha
“O e kumaen ka na ba? uminom ka na ng gamot? Dapat ay magaling na magaling ka na dahil tatlong linggo na alang ay pasukan niyo na.” Sorry talaga mommy. Nagsinungaling ako.
“Okay na ko my at kumaen na rin kanina. Balak ko po sanang linisin yung kotse ko para narin mamaya mommy.” Sobrang dumi na siguro ni Luris
“ Baka mabenat ka nan e” at ngumuso naman si mommy. Kahit kelan talaga ang cute cute ng mommy ko.
“My, magaling na ko at saka sobrang dumi na panigurado ni Luris”
“O sige nandon si Botcha magpatulong ka na lang ha baby!” Yes! Humalik lang ako sa kanya at pumunta na sa labas ng bahay namin at hinanap si kuya botcha.
“Kuya botcha, patulong lang po sana akong linisin si Luris”
“Ay oo naman. Teka’t ihahanda ko ang mga panlinis at hose” tinanguan ko lang siya at nagthank you. Linapitan ko na si Luris. Last time ko magamit to ay yung huling araw din ng first year –second sem, pagkatapos kasi noon ay puno ang schedule namin at ang van na ang ginamit para sama-sama na kaming anim.