*Mariyah’s POV*
Linggo ngayon at ito ako’t katatapos ko lang maligo dahil galing pa ko sa pinsan ko. Ako ang pinagluto niya maghapon dahil anniversary nila ng girlfriend niya at yon ang kapalit dahil natalo ako sa kanya sa dota kagabi. Kung hindi umepal ang Chase hidalgong yon ay hindi naman ako matatalo. Nag- offline na ko dahil baka mapagbuntungan ko siya ng inis ko pag nagkataong ichat niya na naman ako pero okay na ko. Ayoko lang talaga makipag usap ng naiinis ako. Masyado akong mapagpasensya at kadalasan ay hindi ako marunong humindi sa request ng iba at sa tingin ko ay yon ang mali ko.
“Maru, are you done?” sigaw ng ate ko sa labas ng kwarto ko, lumaki siya sa ibang bansa at doon na nakapag-asawa. Kauuwi niya lang nung isang linggo at susunod next next week dito yung asawa niya.
“Almost. Why?” at nagmadali na kong nagpuyod ng buhok ko. Masyadong mainit para maglugay lugay pa.
“Open your facebook. Tita messaged you ‘bout transfering to University of whatsoever-the-heck-i-care- with-that-school so ye, It’s your request right? She told me she needs to talk to you as soon as possible. You know her, she’s moody like you. So better go in a hurry before she say No. HAHAHAHA” kahit kailan ay ang arte ng accent niya. Tss.
“whatever.” At pumwesto na nga ako sa harap ng laptop ko. Nagugutom na ko pero kailangan ko talaga unahin ang message ni tita. Siya ang nagpapaaral sakin, nasa ibang bansa siya. Normal lang ang buhay namin. Hindi mayaman, hindi rin naman mahirap. Sadyang sanay lang sa englishan dahil narin sa tita ko. Nakukuha ko naman ang gusto ko dahil binibigay naman sakin kahit di ko sabihin, sadyang hindi lang talaga ako maluho. Nagonline na ko at dalawa ang nagmessage sakin. Si tita at si Chase hidalgo. Ano ba talagang kailangan niya sakin?
“Maru, the money is ready and it’s already in your account. I want you to enroll after your kuya Francis arrived. Just enjoy your vacation first and don’t forget to complete the transferee application, K? Take care and be good. Message me asap whenever there’s a problem.– tita”
Nagreply na lang ako sa kanya at nagpasalamat. Mukhang good mood siya a? Well, good mood naman siya lagi sakin. Ewan ko lang ba at ang taray taray non minsan. Siguro ay dahil wala siyang asawa hahahaha. Napatawa ako sa pag-iisip na yon. Binuksan ko naman ang message ni chase at. . .
“BAKIT MO KO INOFFLINAN?! Tss. Username: Mmadrigal Password: *******. Yan ha? Yan ang account mo sa skype.I accept mo yng add ko sayo don at iItext mo ko dito 0917******* kapag online kana! Siguraduhin mong itetext mo ko dahil marami ka ng atraso sakin at wag ka na magtangkang di magreply dahil ipapadumog kita sa fans ko kapag nagkataon. Hihintayin ko ang text mo!”
“PS: NAKAKAINIS KA MADRIGAL!. Sige na goodnight”
Siraulo ba to? Paki ko naman sa fans niya? Masyado kang madaldal para sa isang lalaki. Napabuntong hininga ko sa inaasal nitong lalaking to sakin. Ni hindi ko siya kilala at mas lalong hindi niya ako kilala. Sa huli ay itinext ko na lang din siya dahil sa tingin ko ay hindi niya rin naman ako titigilan. Gusto ko ng tahimik na buhay at pagbibigyan ko lang ang isang ito. Hindi rin naman ako madaling magalit lalo na’t isang immature na katulad nito ang kausap ko. Ni hindi ko man lang alam kung anong atraso ko sa kanya at ba’t ako nagkaatraso sa kanya. Kung makaasta siya kala mo may taon na kaming magkakilala. Kakaibang lalaki. Kaibigan ba talaga to ni kuya Benjie?
Parang bading. Tsk tsk