*Maru’s POV*
*Hey! Maru. Someone’s calling! Someone’s calling! Come on!*
*Hey! Maru. Someone’s calling! Someone’s calling! Come on!*
*Hey! Maru. Someone’s calling! Someone’s calling! Come on!*
Shit. Umagang-umaga at ginising ako. Sino ba to? Ringtone ko yon. Oo! Boses ni yurix pamangkin ko kaya malambing. Ginawa kong ringtone dahil natutuwa ako sa boses niya pero naiinis ako dahil ang aga aga ay may nangigising sakin. Nasan ba yung- Ayon! Hindi ko na tiningnan yung caller dahil hindi rin naman yun mababago ng pagkainis ko.
“O?” pasigaw ngunit medyo malat ko pang sabi
“M-maru. . .Nagising ka? Sorry” halatang takot ang boses niya, medyo napasigaw ata ako. Napabuntong hininga ko dahil naiinis talaga ko. Alasais pa lang ng umaga at hindiyun ang normal kong gising!
“s-sorry na! hindi ko naman a-“
“alam mo ba kung anong oras pa lang Hidalgo? Alasais pa l-“
“6:10 na po” napasabunot naman ako sa kapilosopohan niya. Naiinis ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
“Ang ayoko sa lahat ay ang ginigising ako.” malumanay kong sabi
“S-sorry na” sa tono ng boses niya alam kong nakanguso na to. Napangiti naman ako bigla dahil naalala ko kung gano ka-cute ang itsura niya pag ganon.
“Sana sa susunod ay di ka ganito kaaga tumawag dahil madali akong mainis kapag nasisira ang tulog ko”
“O-o na. S-sorry na” napabuntong hininga na naman ako pero alam kong kalmado na ko. Maalala ko lang ang kalmado niyan mukha pati ako’y nahahawa na. Walang kasing aliwalas an mukha ni Hidalgo. Yun ang mukhang alam mong walang iniisip at pinoproblemang sobrang bigat
“bakit ka ba napatawag?” sabi ko habang umup at dumantay sa headboard ng kama ko
“magpapaalam lang sana ko dahil paalis na kami. Hinihintay ko lang yung van na sunduin ako” nagtaka naman ako dahil bakit kailangan niya pang magpaalam sakin? Kung si kuya yon ay maiintindihan ko pa. tsk tsk. Hindi ko gets ang ugali nitong si hidalgo.
“Bakit kailangan mo pang magpaalam sakin?”
“H-ha?” ayoko ng paulit ulit
“Wala. Hmmm. O sige mag-ingat kayo at goodluck”
“N-naiinis ka parin e” pupusta ko ng bente, nakanguso to. HAHAHA
“hmm, hindi na. sige na umalis ka na at ibababa ko na to”
“wala pa nga yung van. Itext mo ko mamaya ha?”
“tamad nga sabe ako magtext”
“tss. Kung ang iba to ay tatadtadan na ko ng nagtext hayy” rinig kong bulong niya
“anong sabi mo?”
“Wala. Sige na eto na yung van. Bye”
“hmm”
“Wala man lang pabaong ingat jan?”
“Diba sabi ko nga kanina mag-ingat kayo?”