*Chase’s POV*
Kauuwi lang namin nila mommy galing sa simbahan at restaurant ng biglang narecieve ko ang text ni Mariyah. Tinext niya ako. HAHAHAHA. Pero nakakainis dahil nakakadalawang tawag na ko sa skype sa kanya ay di niya parin sinasagot. Nagmamadali pa man din akong tumaas at pumasok sa kwarto para lang mabuksan ang laptop ko. Ni hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit e, basta umupo na ako sa kama. Tatawagan ko na nga lang siya sa cellphone niya. T-teka? Baka isipin niya ay may gusto ako sa kanya at gustong gusto ko siya makausap? Kadalasan pa man din sa mga babae ngayon ay assuming. Tsk! Aish! Bahala na! Tatawagan ko na rin. Kasalanan niya naman e.
Calling. . . Mangkukulam
*yung naka bold si Mariyah*
*hmm?*
*ah e. B-bat di mo sinasagot yung t-tawag ko sa s-skype?*
*sorry, nakain kasi ako dito sa baba. Hindi ko naman akalaing ganan ka kabilis makakapag-online*
*ahhh, s-sorry storbo ata ako--*
*hmm, hindi. Wait lang, . . . Mama I’ll finish my food upstairs. I’ll be talking to someone. (o right! Eatwell honey. ) Just call me whenever you need me. . . * at nakarinig ako ng pagsagot ng isang babae at ng pagtayo sa upuan.
*Hey! I’ll hang up. Tawag ka after one minute sa skype. Okay?*
*s-sige*
*end call*
Waaaaaaaa. Ang lambing ng boses niya! HAHAHAHAHA. Siya ba talaga yon? Madrigal!!! Akala ko ay tomboy ka talaga. Palalagpasin ko muna ang two minutes para naman hindi niya isipin na despirado na kong makausap siya. Ang saya mo Hidalgo. Ganyan talaga pag-gwapo. HAHAHAHAHAHAHAHA.
*Call in skype*
Lumabas naman sa video ang isang babaeng naka t-shirt at nakapuyod pataas ang buhok. Na nakakunot ang noong nakatingin sa screen at bigla na lang ngumiti.
“B-bakit?” e kasi ay nakakunot at bigla na lang ngingiti. Para siyang baliw. May mali ba sa itsura ko. Napatingin naman ako sa kabuuan ko at wala naman akong dumi sa tingin ko dahil kadadating ko lang galing restaurant.
“Wala naman. Hindi ko lang akalaing ikaw pala ang Chase na tinutukoy ng mga kaklase ko. Ang kakilala ko lang kasi ngayon ay si kuya benjie.” At sumubo siya ng pagkain. T-teka, si b-benjie?
“S-si benjie? Pano kayo nagkakilala?” Panong? Si benjie talaga?
“Uuhm. Si kuya benjie. Nakilala ko siya kinagabihan ng pagkikita natin sa parking lot.”
“pano? Ikwento mo nga! Ang iksi ng sinasabi mo e. Wala bang ihahaba yan?” nakanguso ko namang sabi sa kanya habang tumataas na ang boses.
“HAHAHAHAHAHA” tawanan ba naman ako? Baliw na to.
“Anong tinatawa-tawa mo jan ha?” nakanguso ko paring tanong habang pinagmamasdan ang pagsubo niya ng pagkain.
“Wala naman. Ang cute ng mukha mo HAHAHA. Uhh nakilala ko si kuya benjie dahil tinanong niya daw kay kuyang driver yung pangalan ko nakita niya naman daw agad ang facebook ko at nakailang testing pa daw siya sa spelling ng pangalan ko. Magaan daw ang loob niya sakin dahil parehas kami ng ugali at sa tingin ko naman ay totoo. HAHAHAHA. Mas weirdo nga lang siya. Ilang araw ko na siyang kausap at nakagaanan ko na din siya ng loob. Sabi niya ay pwede ko siyang tawaging kuya at bunso na ang itatawag niya sakin. Pumayag na rin ako dahil marami kaming pagkakapareho at wala naman akong kuya at siya naman ay wala ng kapatid.” Uminom siya ng juice. “Okay na ba yung ganong kahaba boss?” sabi niya at sumubo ng sunod sunod. Totoo ba tong naririnig ko? Si benjie? Nakikipag socialize? Well’ that’s a first!
