*Six*

58 1 0
                                    

*CHASE POV*

Nakakainis! Bakit ba ayaw niya magreply sakin? Alam niya namang hindi ako makatawag dahil kasama ko ang barkada at kakain lang kami pero magprapractice ulit. Gusto ko siyang makausap, feeling ko ay lalakas ako kapag nakausap ko siya. Naalala ko tuloy yung gabi na inaantok siya pero inaalala niya pa rin ako HAHAHAHAHA. Kahit mukhang normal lang sa kanya yung ganon hindi ko naiwasan na bumilis yung tibok ng puso ko siguro ay dahil kakikilala ko lang sa kanya pero mukhang may halaga na ko. Hinayaan ko na rin siya matulog dahil feeling ko ay maiihi ako ng wala sa oras. Kinabukasan noon hanggang ngayong huwebes na ay tinatawagan ko na lang siya dahil nahihiya rin naman ako. Minsan ay conference na lang dahil kausap niya si benjie at umeepal ako. Pero dahil di ako makatiis ay tinanong ko siya kahapon kung pede magskype kami mamayang gabi pagkatapos ng practice. Umoo naman siya. Ang lakas ko talaga.  HAHAHAHA.

May practice kami ngayon dahil bukas ay may mall tour kami sa Marquee mall- Pampanga. Pagkatapos non ay isang Mall-tour na lang next week at ayos na dahil sunod na week non ay pasukan na namin. Napabuntong hininga ako sa pag-iisip na magiging busy naman kami sa school parang wala naman kaming naging mahabang pahinga.

“Ang lalim non a! HAHAHAHA” sabi ni benjie. Sa totoo lang ay balik masiyahin na siya at kung minsan ay dumadaldal na rin.

“Naisip ko kasi na malapit na magpasukan at magiging busy na nanaman tayo lalo” tumango naman siya bilang sang-ayon. Nandito kami sa sala at kumakain

“Kaya natin yan! Knights tayo eh HAHAHA”

“Hoy benjie! Makatawa ka naman! Bumabalik ka na sa dati a! Mas gusto ko pa ata yung tahimik ka. Umeecho sa buong bahay ang tawa mo. HAHAHA” singit ni marcus sa tawa ni benjie

“pasalamat kayo kay bunso. Feeling ko ay binigyan niya ko ulit ng dahilan para sumaya. Feeling ko ay nabuhay sa kanya si angela, ang sarap sa feeling na may binabantayan ka ulit na prinsesa. Siguro ay naawa si angela sa kuya niyang malungkot ng mahabang panahon kaya ayon at pinakilala niya sakin si maru” tuloy-tuloy niyang sabi at oo alam ng tropa yung tungkol sa closeness ng dalawa pero ayaw ipasabi ni benjie na alam ko din dahil baka daw maawa ako at sabihin ko sa mga to yon. Si angela naman ay ang namatay na nakababatang kapatid ni benjie. Namatay siya sa aksidente kasama ng kanyang daddy at walang nakaligtas sa kanilang dalawa kaya ang mommy niya na lang ang kasama niya ngayon.

“Hoy benjie, Ano kasing facebook ni Maru!” naiinis na tanong ni marcus

“Ayoko. Syosyotain mo si bunso. Tss. Ayokong isama mo yon sa mga pinaasa at binola bola mong babae gunggong! Saka ayokong liligawan ng isa man sa inyo yon. Masyadong maraming babae ang nagkakagusto sa inyo at ayokong magulo ang buhay ng bunso ko. Usapang matino yan.”

“Ayoko nga! Malay mo siya na magpapatino sakin HAHA—Aray ko! Oo na. Hindi ko na liligawan! Ang sakit shit! Makikipagkaibigan na lang. Meron something sa kanya na nagsasabi sakin na kailangan ko siyang makilala at seryoso ako jan.” Sabi ni marcus pagkatapos batukan ni benjie. Hindi ko alam pero medyo nawala ako sa mood.

“pero oo nga feeling ko ay dapat din natin siyang pasalamat dahil bumalik na ang kumag na to sa katinuan, diba kuya?” sabi ni clarence habang siniko pa ang kuya ace niyang nakatitig lang sa cellphone niya.

“He’s too loud like girls, same as the old benjamin Sy. I don’t think it’s a better idea because him? being so talkative sucks! He doubled silver’s loudness and he tripled yours, rence!”

“Pakyu ka! Nananahimik akong kumakain dito tapos idadamay mo ko” sabi ni silver at binato ng kutsara si ace

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” tawa ng lahat pwera sakin na ngingiti-ngiti lang at si benjie na nakasimangot na.

Always Chasing Her (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon