II. This time
"Anak, I'm sorry sa ginagawa sa'yo ng Lolo Emmanuel mo, ha." Pagkagising ko kanina ay naabutan ko si Mommy na nakaupo sa sofa sa kwarto ko. Hinintay daw niya akong magising dahil gusto niya akong makausap.
"My, wala po 'yun. Sanay na ako kay Lolo." I joked, but that was half meant. Talagang sanay na ako sa mga pakulo ni Lolo. Nag-iisa lang kasi akong apo niya kaya nakatuon siya sa akin palagi. Namatay kasing dalaga si Tita Lira, sister ni Daddy kaya talagang ako na lang ang magpapatuloy sa lahi ng Ramirez. Alam kong nanghihinayang ang Lolo dahil hindi ako naging lalaki kaya ang gusto niya ay makapangasawa ako ng business minded rin.
"Are you sure you can do it, Louisse? Pwede ko namang kausapin si Papa para hindi mo na kailangan pang gawin iyong inuutos niya sa'yo, e. O kaya ay ipapakausap ko siya sa Dad mo." She suggested.
"No need, Mommy. Kaya ko po iyon. Ako pa ba?" Ngumiti ako. "Wala lang po iyon sa akin. Gusto ko rin po 'yun gawin para tuluyan na akong maging malaya kay Lolo. I want to prove myself. And ayoko po talaga kasing matuloy 'yung arranged marriage na sinasabi ng Lolo, e."
"Sige, anak." She smiled. "Tara na sa labas, breakfast is ready."
Pagkatapos namin kumain ay gumayak na ako dahil may usapan kami ni Elle. Magkikita kami sa usual spot namin.
"Louisse, any progress?" Bungad na tanong sa akin ng kaibigan ko pagkadating niya sa coffee shop.
"Meron naman. 'Yung kay Tyler nga lang. At saka, kailangan ko rin talaga mapalapit doon sa Vien na 'yun dahil siya ang pakay ko dito. Elle, meron na lang akong 29 days." Nanlulumo na talaga ako. "Nung nakita ko si Vien, parang gusto ko na lang sumuko. Tama ka, mailap siya sa mga babae. Hindi nga gumana ang iniingatan kong charms sa kanya, e."
"Ano ka ba, bestie. Kaya mo 'yan. Fight lang ng fight! Saka may 29 days ka pa, 'wag kang masyadong atat. Basta ang maging goal mo ay before ang 10th day, dapat ay may progress na 'yung sa inyo ni Vien." Aniya.
Tumango ako, "I'll really try my best on him, Elle. Pero wala ka bang naiisip na paraan para mapalapit kaming dalawa?"
"Wala pa, e. Pero ang naisip ko lang, dapat maging kakaiba ka sa paningin niya. Make him notice you. Kasi, hindi ka niya mapapansin if katulad ka lang ng ibang girls na nakapaligid sa kanya. Dapat maging unique ka para sa kanya." Aniya. "Kaya lang, ang problema'y wala pa akong naiisip kung paano mo gagawin 'yun."
Tama si Elle. Dapat ay maging special ako. 'Yung hindi lang basta basta. Pero paano ko nga ba magagawa 'yun? Ni-wala akong koneksyon sa mga Buenavista. Kung hindi naman ako chinallenge ni Lolo ay hindi ko na kailangang makipagkaibigan sa kanila.
My ringtone interrupted me from my reverie, "Hello, Lo?"
"Apo, I know you need my help. Gusto ko lang malaman mo na si Vien ay naglalaro ngayon ng basketball."
I have an idea! Tama! Good timing talaga si Lolo.
"Elle, let's go. May naisip na akong paraan." Ngumisi ako at hinila na si Elle palabas ng coffee shop.
"Seryoso ka ba sa gagawin mo?" Nag-aalangang tanong ni Elle sa akin.
"Desperada na ako, Elle. Kailangan ko 'tong gawin. I'll make him notice Louisse Ramirez."
Tinignan ko ang convertible car ni Elle. Ayos na rin ang speakers. Good.
"Let's go, Elle. Let's do the Day 2 for the 31-Day Challenge." Ngumisi ako at sumakay na. Sumunod naman si Elle na siyang magda-drive papunta sa basketball court.
"Bilib na talaga ako at naisip mo pa 'to." Natatawang sabi ni Elle. "I never imagined you doing this kind of stuff for a boy, Louisse." Mas lalong lumakas ang tawa niya.
BINABASA MO ANG
31-Day Challenge [EDITING]
Teen FictionXhierra Louisse Jimenez. Isang babae na pasaway at sakit sa ulo. She's unique, and really extraordinary. Mas okay daw na makasakit siya kaysa siya ang masaktan. She's fierce and indeed, a no ordinary girl.