31-Day Challenge

249 6 0
                                    

31 - Day Challenge
by happiestkid_

-

"My, what arranged marriage?" Nanlumo ako sa narinig ko na pinag-uusapan ng mommy ko at ng Lolo ko. Pagod ako from work tapos ganito pa ang dadatnan ko sa bahay namin.

"Anak-"

"What arranged marriage?" I can't believe na pinupush pa rin nila 'to hanggang ngayon. College pa lang ako ay issue na 'to, akala ko ay tinigilan na nila but now, eto kami at magtatalo na naman about sa usaping ito.

"Louisse, apo. Bakit ba ayaw mo? Hindi ka pa naman nagkakaboyfriend, ah? Never nakipagdate. Bakit ayaw mong ipakasal sa family friend?" Kumunot ang noo niya.

"Lo, akala ko ba napag-usapan na natin ito noon? I was so focused on my studies that's why wala na akong time makipagdate sa kung kani-kanino noon. I was busy proving myself to you, remember?" I explained. Buong buhay ko ay binuhos ko sa pag-aaral ko. Pinatunayan ko ang sarili ko sa pamilya ko. Na I really belong.

"Exactly." Ngisi ni Lolo. "Dahil sobrang busy mo, kami na lang ang humanap ng magiging partner mo." Sa pagkakasabi ni Lolo ay parang ganoon lamang kadali iyon.

"Mommy." Hingi ko ng tulong ngunit tumango lamang ang tanging kakampi ko at binigyan ako ng malungkot na ngiti. Unti-unting gumuho ang pag-asa kong makatakas tungkol dito.

"Lolo, I've dated many boys. Maybe not seriously pero madami akong suitors. Hindi ko lang sineryso noon dahil like I've said, masyado akong focused sa pag-aaral." I pointed out desperately. Totoo naman ang mga sinabi ko. Lumandi naman ako noon kahit papaano. Nagdaan din ako sa stage na 'yun. Pero sa sobrang pagka-studious ko ay napaasa ko lang 'yung mga lalaki. Wala silang aasahan sa akin noong mga panahon na iyon. Dahil ang mga pangarap ko lamang ang mahalaga sa akin.

"Really, apo?" Tumaas ang kilay ng Lolo. Tumango ako ng mabilis hoping na pagbigyan niya ako.

I was heartless back then, I admit. Harsh ako sa mga suitors ko noon. High school and college days. Hindi ako kabilang sa mga babaeng hopeless romantic at puro pag-ibig ang nasa isip. I'm the serious type. I'd rather pursue my dreams than my love.

"Sa tingin mo ba ay kapag nagkagusto ka sa isang matinong lalaki ay magugustuhan ka niya pabalik? As in willing na makasama ka habang buhay?" Tanong ni Lolo Emmanuel sa akin.

Napalunok ako sa tanong niya pero agad ko namang nabawi ang kaba ko. "Of course, Lolo. I'm a Ramirez, remember?" I smiled confidently. Ayokong may pag-aalinlangang makita si Lolo mula sa akin.

"Prove it to me, then." Ngumisi na naman ang mapaglaro kong Lolo.

Dinalaw na naman ako ng kaba nang ikinuwento ko ang lahat sa best friend kong si Elle.

"Paano 'yan? Anong plano mo?" Natatarantang tanong niya at inirapan ko naman.

"Kung maka-asta ka parang ikaw 'yung hinatulan, ah?" Tinawanan lang ako ng bwisit kong kaibigan.

"Bukas na iyong party, handa ka na ba?" Napalunok na naman ako nang maalalang bukas na nga gaganapin ang party.

"I really don't know what to do, Elle." I sighed. "Oo marami akong manliligaw, pero you witnessed naman diba? I am bad at this. Hindi ako magaling sa pakikipag-plastikan. You know me, Elle. Kapag ayaw ko sa tao ay talagang ayaw ko. Hindi ko pwedeng ipagpilitan."

"I know, Louisse. Pero malay mo naman may chance na ma-love at first sight ka doon sa lalaki diba?" Humalakhak siya. Napangiwi na lang ako.

"Talk about impossible, Marielle." Napairap na lang siya nang narinig ang pangalan niya. Napangisi na lang ako.

31-Day Challenge [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon