Day 3

47 2 0
                                    

III. You're the girl

"I can't believe it, Louisse! Bilib na talaga ako sa'yo!" Natatawang sabi ni Elle. Kinuwento ko sa kanya 'yung nangyari kahapon. Nung nagising kasi siya ay hindi niya ako nakausap ng matino kaya ngayon ko lang naikuwento 'yung nangyari.

"I know right, bestie. Hindi ko nga alam kung paano ko nasabi 'yun, e. 'Yung bang ang dating e parang totoo talaga. Na matagal ko na siyang gusto at hinintay ko pa siyang bumalik mula sa States."

"Oo nga, e. Sana lang napaniwala mo siya." Aniya at sumang-ayon naman ako.

"Ang kailangan ko na lang munang gawin sa ngayon ay magresearch tungkol sa background ni Vien six years ago. Para alam ko 'yung mga nangyari in the past at mapatunayan kong noon pa lang ay patay na patay na ako sa kanya." Natawa ako sa ideyang iyon.

Iyon lang ang ginawa namin ni Elle sa loob ng kwarto ko. Puro paghahanap ng mga bagay tungkol kay Vien Buenavista. Laking pasalamat ko talaga dahil sinusuportahan at tinutulungan ako ni Elle.

Sa pagod ay nagbreak muna kami ni Elle. Binuksan ko ang isang social networking site at nag-log-in gamit ang account ko.

May isang friend request at message doon.

Sapphire Buenavista

"Hello, Louisse. This is Sapphire, 'yung nakatabi mo kahapon." Ani Sapphire.

Nang mabasa ko ulit ang buong pangalan niya ay nanlaki ang mata ko. Buenavista siya? Kung ganoon..

"Related ka ba kina Vien at Tyler?" Tinype ko at sinend agad sa kanya.

Nakita ko namang nagtype siya. Buti naman ay online siya. "Pinsan ako ni Vien. Younger sister ni Tyler." Reply niya.

Nagulat naman ako. "Oh, anong nangyari sa'yo d'yan? Bumubulong-bulong ka pa." Ani-Elle. Oo nga pala, kasama ko siya. Muntik ko nang makalimutan.

"Elle!" Tawag ko at agad lumapit sa kanya. "Mas mapapadali na 'yung plano natin. Mas madaling mapalapit ako doon sa magpinsan!" Natutuwa kong balita.

"Huh? Paano naman?" Nagtataka niyang tanong.

"Kasi kahapon, nakilala ko si Sapphire. Mabait naman siya sa akin. Actually, siya nga itong nag-approach sa akin. Tapos, iyon pala.. Kapatid niya si Tyler at pinsan niya si Vien!"

"Oh, eh ano naman ngayon?"

"I'll be her friend. We will, Elle. At least kapag nakapaghang-out tayo together, mas mapapabilis ang progress. Baka 'yung 31 days na binigay sa akin ni Lolo ay matapos within just two weeks." Masaya kong wika pero nakita ko naman kay Elle ang pag-aalinlangan.

"Pero, Louisse.. Hindi ko kayang manggamit ng tao." Natahimik naman ako. Panggagamit ba ng tao 'yun?

"Uhm, Elle.. Hindi naman natin siya kakaibiganin just for that. She's kind and really friendly, pwede naman talaga natin siyang maging friend. Buenavista man siya o hindi. Actually, eto nga oh. Friends na kami sa Facebook." I explained. Siguro ay tinamaan nga talaga ako sa sinabi ng best friend ko. Siguro nga ay manggagamit ako ng tao. Ewan ko. Nadadala na ako sa pangangailangan ko. Sa pagiging desperada ko.

"Uhm.. Elle.. You don't have to do this naman, e. It's my problem and I'm glad na you're always here to support me. Ewan ko. Wala lang talaga akong maisip na ibang paraan bukod doon, e. Sorry."

"No.. No, Louisse. Uh, sorry sa nasabi ko. I understand. I mean, of course as your bestie.. I'm always here to support you no matter what." She held my hand and squeezed it. Napangiti na lang ako. I'm so lucky. Pero hindi pa rin naalis sa isip ko 'yung sinabi niya. Panggagamit.

31-Day Challenge [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon