Chapter 4

26 1 0
                                    

IV.

Ngayong araw ay late na akong nagising. Dahil siguro sa puyat ko kagabi. Matapos kasi ang pag-uusap namin ni Sapphire ay mas lalo lang akong hindi nakatulog.

Sabi niya rin na magkita daw kami ngayon sa Pixie Dust, which is favorite daw niyang book shop. Pumayag ako dahil wala rin naman akong gagawin para sa araw na ito, at hindi available si Elle.

Pumasok na ako sa Pixie Dust. Mga ikatlong beses ko pa lang makapunta dito dahil may mas malapit na book shop sa amin. Mahilig rin siguro si Sapphire sa libro kaya dito niya ako gustong imeet.

"Louisse!" Lumingon ako at nakita si Sapphire na kumakaway sa akin at nakapwesto sa isang maliit at pabilog na lamesa.

"Hello," I greeted.

"Hi, upo ka." Ngumiti ako at naupo na rin. Nakita kong may dala siyang libro at nagbabasa siya doon. Para din kasing library ang book shop na ito. Pwedeng pagkabili mo ay basahin mo agad doon sa mga table na available.

"Sorry kung naabala kita, ah," sabi niya at agad ko namang sinabi na wala naman talaga akong gagawin para sa araw na ito. Tumango tango siya at nginitian lang ako.

"Honestly, Louisse.. Uhm.. I really want to help you," nahihiya niyang sabi.

"Help?"

"Ah.. Yes. About sa feelings mo kay Vien." Agad namang nag-init ang pisngi ko. Mukhang napansin niya iyon at alam ko na agad kung ano ang nasa isip niya. "Oh my, namumula ka!" Mahinhin siyang tumawa.

Agad ko namang dineny iyon. Nahiya lang siguro ako sa pagkakasabi niya na 'feelings' ko para kay Vien kahit wala naman talaga akong nararamdaman para sa lalaking iyon.

"Sapphire, salamat sa offer ah. Pasensya na dahil hindi ko tatanggihan 'yan. You know.. Medyo desperada na ako para sa pinsan mo." Tumawa ako ng peke at talagang kinapalan na ang mukha ko para lang masabi 'yan. Pero totoo namang desperada na akong mapansin ni Vien. Gustong gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. So bad.

Natawa na rin siya, "I like your honesty." Iniligpit niya muna iyong libro na binabasa niya at nilagay sa bag niya at saka bumaling ulit sa akin. "Well, we are already friends, right?" Ngumiti naman ako at tumango.

"Alright. At syempre, dahil kaibigan kita. At kahit hindi pa naman kita ganoon kakilala, I already want you for my cousin. Actually, I also want you for my kuya pero naisip ko namang hindi mo deserve ang lalaking katulad ni kuya Tyler kaya 'wag na lang." Napailing siya at natawa.

Naguilty naman tuloy ako. Gusto ko rin 'yung fact na maging kaibigan nitong si Sapphire. Pero isa siyang Buenavista. At siguro dahil sa challenge sa akin ni Lolo ay hindi ko na maiiwasan ang bahagyang paggamit ng pagkakaibigan namin para mas mapalapit kina Vien.

How I wish mapatawad ako ni Sapphire kung sakaling malaman niya na ito.

Pilit akong ngumiti. "Ikaw talaga, Sapphire. Lagi mo na lang akong binobola," biro ko.

"No, Louisse." She smiled. "That's the truth. And kung wala kang gagawin mamaya.. Iinvite sana kita sa bahay namin. Nandoon si kuya Vien." Makahulugan ang ngisi niya na para bang sinasabing tutulungan niya nga ako sa pinsan niya.

Dahil kailangan ko rin iyon para sa challenge.. Pumayag na ako.

Alas kwatro ng hapon nang pumunta kami sa mansion ng mga Buenavista. Noong nalaman ko na doon pala kami pupunta ay agad akong tumanggi kay Sapphire. Nahihiya ako kina Don Alfredo at Doña Felicidad. Buti na lang ay wala daw sila doon. Silang magpipinsan lang daw at ilang mga kaibigan. Pwede naman daw magdala ng kanya-kanyang kaibigan, at ako daw ang kanya. Noon daw ay wala siyang maipakilalang kaibigan dahil wala siyang mahanap. Ang mga nakikipagkaibigan daw kasi sa kanya ay mga user lang. Iyon bang kinakaibigan lang siya dahil sa isa siyang Buenavista at kapatid niya ang isa sa pinaka gwapong nilalang sa daigdig.

Noong sinabi niya iyon ay para akong nasuntok. Sapul. Pero agad ko namang binalewala iyon dahil wala na akong oras para mag-isip pa ng negative thoughts.

Pagkapasok pa lang namin sa sala ng mansion ay rinig na ang tawanan. Naroon si Tyler at ang iba niyang kaibigan. Nakita ko rin doon iyong pamilyar na chinito na lumapit sa akin. Napapaligiran sila ng mga babae. Lalo na si Tyler na hindi alam kung sino ang papansinin sa kanila.

Narinig ko ang buntong hininga ng kapatid niya sa tabi ko. "Flirt." Bulong niya.

"Oh, Sapphire! Introduce mo naman kami sa maganda mong kasama." The guy chuckled. Mukhang kaibigan ni Tyler.

"Siya 'yung nag-effort kay Vien, bro!" Natatawang sabi nung chinito. Pagkasabi niya nun, gusto ko na lang mabaon sa kahihiyan. But I realized na sa challenge ni Lolo, I don't need any fear. I will get Vien by hook or by crook.

"Guys!" Tawag ni Sapphire na nakakuha ng atensyon ng lahat. Nahagip ng paningin ko si Tyler na nakangiti at nakatitig sa akin. "I want you all to meet Louisse Ramirez, my friend," she announced.

"H-hello." I wore my best smile.

"Louisse!" Umambang tatayo na si Tyler pero pinigilan siya nung petite at kulot ang buhok na katabi niya.

"Let's go," aya sa akin ni Sapphire kaya sumunod lang ako sa kanya paakyat.

Tumigil kami sa harap ng isang pintuan. "Pasensya ka na sa mga kaibigan ni kuya. Ganoon talaga ang mga iyon. Parang si kuya lang din, mga mahilig mang-asar."

"Ayos lang iyon." Totoo naman 'yun. Wala naman sa akin ang mga ganoon. Nakasalamuha na ako ng iba't ibang uri ng tao at hindi bago sa akin ang mga tulad ni Tyler at ng mga kaibigan niya na mayayabang at mayayaman. Tipikal sa kanila. Puro paglalaro ang nasa isip.

Pumasok kami at bumungad sa amin ang isang kulay light blue na kwarto. May 'SAPPHIRE' na nakadikit sa pader at may mga paintings na nakasabit. Malinis at maganda ang kwarto niya. Tumblr-ish.

Naupo siya sa kama niya at kinuha ang phone niya.

"Here." Inabot niya sa akin. I just gave her a questioning look. What am I gonna do with her phone?

"Give me your number then I'll send Kuya Vien's number to you." Kinuha ko ang phone niya at nagtype na. Pinaupo niya ako sa couch and I said, "Nasaan nga pala 'yung cousin mo?"

I handed her phone back at chineck niya ang oras, "Quarter to five pa siguro. Nasa office pa 'yun, for sure." She sighed. Ang workaholic naman talaga ni Vien. Does he still have a life, I wanted to ask.

While waiting, we just ate junk food and talked about each other. She is indeed nice. Even if she's a Buenavista, napaka down to earth. Kabaligtaran ng kuya niya.

"Anong meron kay Kuya Vien na nagustuhan mo?"

31-Day Challenge [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon