(change of heart) Part 6

6.6K 78 2
                                    



GOD, I hate this place!

Ibinato ni Lyndon ang itak na matalas naman pero bakit ayaw yatang tumalab sa balat ng niyog. Nag bounce back lang ang talim niyon at muntik pa siyang tamaan sa mukha at maputulan ng daliri.

Tumilaok ang tandang na manok na muntik nang tamaan ng itak. Gusto na naman niyang sumigaw at magmura pero napatingin siya sa napakagandang dalaga.

Damn.

Hindi siya susuko. Kahit maging kalyo lahat ng palad niya!

"Anyare?" si Jade, napalingon dahil sa manok.

Mabilis siyang tumayo at kinuha ang itak. "Nabitawan ko lang. Kukunin ko agad. Kaya ko ito. Promise."

Nilapitan siya ng dalaga. Nagpalit na ito ng damit. hindi shirt and jeans. Naka palda ito na below the knee ang haba. Halos paa lang ang nasulyapan niya sa pagkakatungo.

Napalunok siya. Ang ganda ng hugis ng mga 'yon, parang porselana ang kutis. At ang kuko sa paa, puting puti kahit naglakad sila sa tuyong putikan kanina.

He wanted to taste those sweet little fingers, mula sa maliliit at perpektong paa nito at pataas...

nagdilim ang paningin niya sa mabilis na pagragasa ng dugo niya sa ulo--sa dalawa niyang ulo.

"Sa totoo lang may oras ka pa." Malamyos din ang tinig na nagsasalita. Parang Diwata sa kabundukan ang nakatayo malapit sa kanya. Kinagat niya ang labi at inutusan ang sarili na huwag nang tumingala--baka atakehin na siya sa puso. "Magdesisyon ka na. Baka 'yong susundo sa kotse mo, nasa biyahe pa. sige na, tumayo ka na diyan. Ihahatid kita uli sa labasan."

"Nope. Hindi ako uuwi. easy peasy lang lahat ito." Kumagat ang itak sa tuyong balat ng niyog.
Thanks God--success!

"Sir.."

"Lyndon, hindi ka ba nakakaintindi!" Nakatingala na agad siya dito. At napalunok uli. Her lips looked swollen from hard and searing kiss. He would die at this very moment if he couldn't taste those red lips!

Shit. Tumungo na uli siya. Mabilis na tinataga ang niyog. O mas tamang sabihing--tinatadtad niya 'yon nang wala sa ayos.

Magtitiis siya. Magtitiyaga. Hiningal siya sa matinding pangangailangan. His groin was beginning to beg for anything she could offer....

Lintek na buhay ito!

"Liligawan kita!" Sumisigaw na siya. "Narito ako para ligawan ka! Maniningalang pugad ako sa 'yo! Maninilbihan ako!" He was breathing hard like an idiot.

Bawat segundo, tumitindi ang arousal at conviction niya para sa babaing ito. Nag aapoy ang kanyang dugo.

"Kaya tumigil ka na! I won't back out just because of this little..." shits.

"Bahala ka." Tinalikuran siya ni Jade. "Bobolahin mo pa ako. Manigas ka riyan. Mamaya lang, pag kumagat na ang dilim, pagsisihan mo na ako pa ang gusto mong biktimahin."

Biktimahin?

Come again?

"Hey," nakatayo na agad siya. Mali ang sinabi nito. At itatama niya 'yon! "Gusto kita. Hindi ba sinabi ko na? Gusto kita!" Gusto niya itong hablutin sa balikat. "Ano sa lintek na GUSTO KITA ang hindi mo naiintidihan!"

Biglang hinto si Jade sa harap ng entrada ng kusina ng kubo. Napalingon ito sa kanan, hindi sa kanya. Napatingin din siya doon. At huli na para malamang may ibang tao nang nakikinig at nanonood sa kanila.

Nag bow na naman si Jade. "Mang Mario..." hindi niya alam kung takot ang narinig niya. "A-ano pong ginagawa ninyo dito?" umaatras si Jade papunta sa kanya.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon