Flying T's Revenge/ Part 15

4.4K 49 1
                                    


Sorry sa typos, wrong grammar. Usad pagong sa editing. Masama po ang pakiramdam ni otor. Pagtiyagaan na po ang draft ko.

------------

NAGKAMALAY si Jade na may tape siya sa bibig at may maskara sa ibabaw ng mukha niya para itago 'yon.

Mahabang sandali rin bago niya narealize na nasa sentro siya ng masikip na silid at puro lalaki ang nakapalibot sa kanya. Hindi niya alam kung gaano karami—pero naririndi siya sa sigawan ng mga ito.

Nangiligkig siya sa matinding takot nang makitang may ilan sa mga ito, tumutulo na ang laway sa pagkakatitig sa kanya at may ilan na naghuhubad na.

Diyos ko, nasaan siya?

Anong lugar ito?

Nagsimulang gumana ang pandinig niya.

"1,500!" Sigaw ng isang lalaki kasunod ng pag ugong ng malakas na tawanan ng iba pang kalalakihan.

Hilo siyang nag angat ng paningin.

Nakaupo pala siya sa isang backchair. Nakikita niya na wala na sa katawan niya ang jersey at may plackard na nakasabit sa leeg niya. Nakikita rin niya ang strap ng panty niya at bra at maliban doon—wala na siyang ibang saplot sa katawan.

Lalo siyang natakot.

Sinubukan niyang lumunok para magsalita pero masakit ang lalamunan niya at mainit ang balat niya sa batok. O namamanhid?

May isang nagprotesta sa harapan niya.

"Tatiana, Dear, 'yan na ba ang surprise mo ngayong gabi? Aren't you getting tired of your silly little games? Kung sa beerhouse lang 'yan nadampot ng 'yong fiance—bakit hindi na lang itapon sa labas ng gate and start this party right? Do you think, she's worth our fucking time? And why the mask? Is she ugly? 'Come on, just—ditch her! Baka may AIDS pa 'yan!"

Kumabog ang dibdib niya. Anong sinabi ng lalaki—sa beerhouse siya nakilala ni Lyndon? Paano nalaman 'yon ni tatiana?

"Shut up, Thunder!" singhal ni tatiana sa lalaki. Naglalakad na ito ngayon at dumaan sa harapan niya. Pinilit niya itong titigan—nakasuot ito ng all-red Playboy bunny costumes at killer shoes na nakita lang niya sa magasin ni Helga.

Walang pinagkaiba sa two piece swim suit, mabalahibo lang at padded ang bra. Tayong tayo ang dibdib ni Tatiana at titig na titig doon si 'Thunder'.

Bumabaon sa malambot na carpeted floor ang sapatos nito. Kaya nahulaan niya na malamang bahay ito nito. Makapal ang make up nito kaysa nang una niyang makaharap. At nangniningning ang mga mata sa tuwa. Daig pa nito ang naligo sa ecstacy bago siya pinaglaruan.

Dinuro nito ang lalaki sa harapan.

"You're just a guest here—Mr. Big Mouth! Play the game or you're out!" Masaya itong dumipa sa hangin na parang nagtatanghal. Nasa elemento ito ng matinding katuwaan. "My place. My rules. My games." Pumalakpak na uli ito, humarap sa ibang bidders, parang nagmamadali. "Come on, guys! Lower! " para lang itong nagpa pa raffle ng isang laruan. "Ang sino mang makahula ng presyo ng babaing ito sa likod ng placard sa leeg niya—siya ang panalo!"

Nagsigawan ang mga kalalakihan. Sabay sabay. Naririnig na jade na karamihan sa mga 'yon walang takot kahit sinabi ni 'Thunder' na baka may AIDS siya.

ANg isa sa mga 'yon, sumugod sa paanan niya at nagtangkang hawakan na siya sa legs—inawat lang ni Tatiana.

"Easy, Boys. Easy. She will be yours—tonight...." puno iyon ng kamunduhan at masarap na pangako. Dinampot sa isa pang back chair ang jersey na hinubad kay Jade at inihagis sa gitna ng mga kalalakihan.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon