--------------
Unedited. Raw. With typos and wrong grammar.----------------
MAY mga sandali na natutulala na lang si Jade sa dalawang dahilan: hindi siya makapaniwala na kasama na niya ang tatay niya at ang kapatid.
Lalo na ang katotohanan na may asawa na si Jojo, si Scarlet at buntis na ang babae.
Tahimik ang hipag niya.Ang mga mata, parang galing ito sa giyera at nakasaksi ng mga bagay na hindi nakita ng iba. Ang labi, laging bulong kung magsalita at mas nakikinig at nakikiramdam kaysa kausapin sila.
Kahit kay Jojo, bihira rin itong kumibo.
Dahil doon, nang sabihin ni Jojo na sa kubo na lang ito titira at ang asawa-wala siyang nagawa. May mga bagay na kahit alam mong gusto mong gawin dahil mahal mo sila, mas mabuting huwag na lang. may mga tao pala kasi na kalayaan ang pinakamahalagang kayamanan.
Mula sa bahay niya, nakita na niya minsan si Scarlet na ngumingiti.
At kabaliktaran naman 'yon ni Helga; sawi, wasak, durog na durog ang puso ng bestfriend niya.
'Yon ang ikalawang dahilan na wala siyang maisip na sulusyon.
Paano na ngayon si Helga?
At para damayan ito, nagsadya siya sa bahay ngayon sa bahaykubo ng kaibigan. Isa ito sa mga kapritso ni helga kapalit ng overtures ni Craig. Ganoon ang bestfreind niya-pataatwarin ka, pero magbabayad ka.
At lahat ng bagay dito-negosyo. Palibhasa, ATM ang role nito sa malaking bahay ng lola nito.
Malapit lang sa bahay nina helga ang kubo kaya kampante siyang sumama lalo na at tatlong huskies ang nasa paligid nila. Madalas na doon iniiwan ni Craig ang mga alaga kapag may gagawin 'yon sa malayo at mawawalay sa nililigawan ng ilang oras.
Ito rin ang nagsisilbing 'secret place' ng dalawa.Madalas, para hindi magkabanggan si Helga at ang isa pang apo ng lola nito, dito sa kubo na ito nagluluto ng ulam galing sa maliit na 'farm' ni Helga na 'libangan' ni Craig. Iuuwi na lang kapag oras na ng kainan.
Isa lang talaga ang kulang sa mga ito-relasyon.
"Bwisit," mainit na naman ang ulo ni Helga. "Kailan ba ako magkakaroon gn sariling tapasan ng niyog? Ang dami dami laging kailangang gataan. Ang mga pinsan ko naman mga hasta mañana! Kapag oras ng pagkain ang bibilis! Sa pagluluto, ako talaga lahat! Pag aaralan ko na ngang maging masama ang ugali." Isinaksak nito ang gatong na kahoy na halos siksik na siksik na kaya mahihirapan na ang oxygen na makapasok sa loob ng primitive stove na gawa sa binasa at inihulmang abo.
Lumilipad ang isip ni Jade. Naalala niya kung ano ang hitsura ng mukha ni Helga nang makita si Jojo na hawak sa kamay si Scarlet habang bumababa ng motorsiklo. Grabe-akala niya totoong hihimatayin talaga ito, nasalo lang niya.Tuloy, nang makita nitong tulala siya, akala si Lyndon na naman ang iniisip niya. "Uy, magandang babae. Ano na naman 'yan? Ha?" sita nito sa kanya.
"Ay, mas maganda ka, babae!" nagulat din siya. "Hindi si Lyndon ang iniisip ko-ikaw. Kamusta ka na, ba?"
Umingos ito, gusot ang mukha.
"Huwag na nating pag usapan. Alam ko naman ang pag-ibig kung minsan parang FLU lang. lilipas din ito. Saka, iniisip ko nga, baka hindi naman talaga ako in-love sa kapatid mo. Baka infantuation lang 'yon. Alam mo na, magaling siyang kumanta at mag gitara. Noon, kapag problemado ako, nakakalimutan ko ang lahat kapag naririnig ko siya."
"oo. At hanggang ngayon, hindi niya alam na para kang impakta sa itaas ng mga puno. Kaya mong umakyat at mag camouflage sa itaas ng hindi nakikita. Baka naman may powers ka rin para doon?"
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
RomansaGenre: Romance Comedy with Mature Content Promdi pero palaban. Nang makilala ni Jade ang masungit, matapobre, walang puso at mayabang na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw kahit pa nangako i...