Genre: Romance comedy
Warning: with SPG contents. not suitable for very young readers.
Other title: Exclusively Yours
-----------------------
NOTE:Isa po ito sa mga unang nobela na isinulat ko five or six years ago. return. ginamitan ko kasi ng old voice dahil addict pa ako sa panitikan that time. napag iwanan ako.
pagpasenyahan na lang po ang typos at wrong grammar ni Otor.
At dahil pinagsabay kong ayusin ang dalawang manuscripts na magkaiba ang POV, pasensya na po sa 'ako' na nagiging 'siya.' Nalilito po ako at aayusin ko pa naman ang lahat ng chapters nito.
Drafts pa lang po ang mababasa ninyo.
may mga mature content kaya mga minors, please huwag kayong makulit. This novel is for matured readers only.
Thank you.
***********
CHAPTER ONE
10:45 pm
MINSAN pang nagpalinga-linga si Jade. Mula sa kinaroroonan niyang iskinita, sinilip niya ang gate ng Wild Rose KTV bar. Labas-masok ang mga costumers doon. Karamihan ay lalaki at bihira ang babae.
Alam ni Jade na hindi ligtas para sa kanya ang lugar.
Maghapon siyang nagtanong-tanong tungkol dito at nalaman niya na hindi lang pugad ng prostitution, front lamang iyon ng isang ilegal na trabaho—drug trafficking and human slavery. Bago sumabak sa giyera, inalam muna niya ang lahat tungkol establisyemento. Mula sa pangalan ng may-ari, guard sa entrance nito, at kung hawak ito ng ilang nasa gobyerno, at tama siya sa huli. Nagbayad pa siya ng ilang tao para sa kailangan niyang impormasyon.
Ang kapalit, sina Matilda at Impen, ang mga alaga niyang baka at kalabaw. Nagtataka kasi siya kung bakit kahit anong pakiusap niya, ayaw umuwi sa kanilang probinsya ng kapatid niyang si Jojo. Seventeen si Jojo nang mamatay ang nanay nila, nakulong ang tatay nila at nang taon ding 'yon, naglayas ang kapatid niya.
Sabay sabay na nawala sa kanya ang lahat.
24 na si Jojo at lalong nabaon sa organisasyon na pinasok nito. At dahil siya ang ate, hindi na siya nakatiis na maupo na lang sa isang tabi.
Ngayon, oras na ng action.
Maghapong sarado ang bar. At dinig niya, G.R.O. lamang na nagtatrabaho doon ang maaaring pumasok.
Ang tini-tipid niyang pera, nabawasan pa dahil kinailangan niyang bumili ng damit at make-up.
Hinubad niya ang mahabang palda. Isinunod niya ang nakaibabaw na blouse. Nalantad ang tube mini skirt niya, tank top na body fit at masisilip ang kanyang cleavege. Nagsuot siya ng big loops na malaki pa sa five peso coin at mga burloloy na binili niya sa tabi tabi.
Ang sabi ng impormante niya, hindi basta nakakapasok ang kahit sino sa KTV bar na ito unless GRO ka dito o may kasama kang VIP client bilang date.
Siguro naman, sa attire niya ngayon, papasukin na siya?
Kalmado siyang naglakad at dumaan sa harap ng unang bouncer ilang metro mula sa entrance. Sa pagkakaalam kasi niya, walang mahahalata sa kanya ang ibang tao.
************
10:45 pm
MINSAN pang nagpalinga-linga si Lyndon Santiago. Mula sa loob ng kanyang kotse, sinilip niya ang Wild Rose KTV bar. Labas-masok ang mga costumers doon.
The place is a mess and he knew to himself that it doesn't suit his personality. Pero ito lang ang lugar na walang makakakilala sa kanya. Sirang-sira ngayon ang araw niya. At kailangan niyang magpalipas ng oras at maglabas ng stress. Hindi siya kailanman pumunta sa mumurahing lugar. Pero dahil marami ang nagsasabi sa kanya na masama ang ugali niya to the highest heaven at wala siyang kaibigan, dito siya ngayon napadpad.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
RomansGenre: Romance Comedy with Mature Content Promdi pero palaban. Nang makilala ni Jade ang masungit, matapobre, walang puso at mayabang na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw kahit pa nangako i...