MAKAILANG ulit lumunok si Lyndon bago pumasok sa study room ni Don Hugo. May ideya na siya kung bakit siya ipinatawag nito. Pero kakaiba ang kaba niya ngayon. Kilala kasi niya ang matanda. At iba ang timbre ng boses nito kanina sa telepono. Mahinahon. Mas mapanganib iyon.Ang isa pang palatandaan: hindi pa siya nito tinawagan sa oras na dapat natutulog pa siya nang mahimbing.There is something wrong and he's beginning to feel that something really, really bad is going to happen.
Maliban sa pagkatalo niya sa last bidding, ano kaya ang ikinagagalit nito kung sakali?
"Maupo ka." Hindi tumitingin na wika nito pagkakita sa kanya. Ang salt and pepper na nakapalibot sa mukha nito ang nagsasabing sa lahat ng tao sa mundo, ito ang hindi niya mauuto at maloloko. Pero hindi pa man lumalapat ang pang-upo niya sa mahogany chair, ibinalibag na nito sa mukha niya ang isang folder ng papeles."Ano po ito, Lolo?" gulat na tanong niya.
"Simberguenza!" at bigla itong tumayo, binayo ng mga kamao ang ibabaw ng sariling mesa. "Kailan pa nawala pati kaluluwa mo? That papers are from the Labor Union. Demanda sa Blue Ribbon Construction? At siguro nama'y alam mo na kung bakit?"
Napalunok siya.
Nagpatuloy si Don Hugo. "Half of the blame should be pointed at me." Umikot ito, kinakalma ang sairli, nangangapa sa armchair para humawak at makaupo roon. "Pinalaki kitang tuso. Pero kailanman ay hindi kita tinuruan na ikaw mismo ang tumapak sa karapatang pantao ng mga taong naglilingkod sa 'yo.
Are you that heartless? Oras ng trabaho at sa mismong site nangyari ang aksidente. Then why didn't you shoulder their hospital expenses? Pati ba 'yon, ibubulsa mo? Ganyan ka na ba kaganid sa salapi?"
Nagtangis ang kanyang mga bagang. "Nag-iisa lang ako, Lolo. Alone to take all these responsibilities. Marami akong iniisip! Kalabisan ba na makaligtaan ko ang mga ganitong walang kuwentang bagay?"
Walang kuwentang bagay? Nanghihilakbot ang matanda sa sinabi niya.
"Impertinente!" sigaw nito. "Ilang beses mo na itong ginawa. Sinasadya mo nga yata, hindi ba? Sanay ka na ring humarap sa mga media na parang normal lang sa' yo ang lahat ng ito.Hindi mo ba alam, kung bakit tinalo tayo ng mas maliit na kumpanya kailan lang? Dahil kalat na rin sa mga business directors ang reputasyon mo bilang negosyante. Pati mga karaniwang manggagawa natatakot pumasok para manilbihan sa atin. Saan sa palagay mo pupulutin ang kabuhayang pinaghirapan maging ng mga magulang mo?"
"Lolo?"
"Leave your load. I'm so tired of you. My advice just fell on your deaf ears. Mas mabuti pa ang ibang tao na may puso kaysa sa sariling dugo na walang kaluluwa. Ipagkakatiwala ko sa iba ang mga negosyo ko."
"P-pero, Lolo? You can't do this to me! Malaki rin ang hirap ko sa mga negosyo ng pamilya. Hindi mo puwedeng—"
"I just did. Makakaalis ka na. Tatanggapin lamang kita kapag nagbago ka na."
"Pero paano ko gagawin 'yon? Isa pa, wala naman akong maling ginawa?" Isa pa ito sa ugali niya, hindi raw siya marunong tumanggap ng pagkakamali.
"Unahin mo ang pag-aasawa. Baka sakaling magkaroon ka ng puso pag naging isa ka nang ama."
"L-Lolo—" hindi siya makapaniwala. Nanlaki ang mga mata niya. Ganoon ba katagal siya nitong parurusahan? It almost took a year or so to be a father. That was insane!
At paano kung baog siya at hindi pala magkaka anak?
"Get out. Masama ang pakiramdam ko." Nanghihinang tumayo na si Hugo. Gamit ang baston, dahan dahan itong lumabas ng silid. Ni hindi na muling nilingon ang apo. Wala siyang nagawa kundi habulin ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Roman d'amourGenre: Romance Comedy with Mature Content Promdi pero palaban. Nang makilala ni Jade ang masungit, matapobre, walang puso at mayabang na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw kahit pa nangako i...