Ang katotohanan na hindi nakikita (The truth that cannot see)

45 0 0
                                    

Ikekwento ko ngayong oras na ito ang isa sa mga karanasan ko sa buhay. 

Kung hindi mo nalalaman, isa ako sa mga talented indibidwal ng mundong ito.

Gamit ang 'Piano' nagagawa kong maging kakaiba sa iba. 

Sa tuwing tumutugtog ako, lagi akong nagkakaroon ng mga hindi maipaliwanag na emosyon.

Pero alam n'yo, hindi ko talaga alam kung bakit ako nahilig sa pagtugtog. 

Hindi lang piano, pati iba't ibang uri ng musical instrument. 

Isa ang gitara, ang drums, violin, at higit sa lahat ang pagkanta.

Nakapagtaka wala naman sa pamilya ang may musical background. 

Siguro isa lang talaga akong mapalad na nilalang kasi lahat ata ng arts sa mundo 

kaya kong gawin.

Sumulat, tumugtog, kumanta, umarte, sumayaw, gumawa ng tula o kaya nobela, gumawa ng 

kanta, gumuhit, tumalon, tumambling, kumain, matulog at magpasalamat.

Kung kasama lang yung mga huling nabanggit bilang art e sigurong napapatalon ako sa tuwa.

Masaya lang talaga gumawa ng mga bagay na paglilibangan, lahat ito ay nakakalibang gawin.  

Kahit sa una na kung iisipin natin ay mga nakakatamad gawin lalo na ang pagsulat. 

Kelangan pa ng utak para umandar si ballpen.

Pero kapag nasimulan mo na, katagalan bila mong masasabi,

"SH*T! Ang sarap pala netong gawin. 

Nakakalibang!"

Pero makalipas ng 2 minuto...

(Ihahagis ang ballpen) 

"Pusangala! Walang kwenta 'to! 

Ayoko na mag-isip. 

Sakit sa ulo.

Hirap na nga ng MATh subject e, nagsusulat pa ko! 

LETCHE!"

Be patient lang po. Ganon talaga kapag pinasok mo yung mga ganitong trabaho. 

Ang lahat ay nadadaan sa sipag at tiyaga ng isang tao. 

Wala dapat sisihin kait nahihirapan ka na.

Ang gobyerno ay walang kasalanan sa pagiging tamad ng isang tao. 

Sila ay itanalaga ng bawat isa sa atin, hindi po ba? 

Bakit mo pa sila iboboto kung tatanggalin mo rin pala sila? 

Hindi sila ang dahilan ng paglindol, ng mga malalakas na ulan, mga mala-tsunami  

na baha, at ang pagsigaw sayo ng nanay mo gabi-gabi pag-uwi mo galing paaralan.

Ang lahat ng nakikita, nararamdaman, naririnig, nahahawakan, nakakagat,  

nahihigaan, nasusulatan, natsitsimis at lahat ng na-aano, ay pawang isa  

lang ang may gawa.

Alam n'yo ba ang dahilan kung bakit ka nabuhay sa mundong 'to? 

Kumain? Matulog? Kumanta? Magnegosyo? Magreklamo? Magtrabaho? Magnakaw? Lumayas? 

Pumasok? Makitulog sa ibang bahay? MagCopy Paste sa Google?

Hindi.

Alam n'yo rin ba kung ano ang magiging kinabukasan mo sa mga susunod na araw? 

Nagmahal ang pagkain, tumaas ang pamasahe, nangutang si kumare at pare, 

nawala yung kambing ni mang kanor, walang kustomer bukas, nabutas ang bulsa, 

nadulas dahil sa saging (cartoons only), tumawa yung giraffe...

Walang nakakaalam...

Hindi mo ba napapansin, ang lahat ay paulit-ulit. 

Kung ang ulam mo nga paulit-ulit, ibig sabihin ang mga pangyayari ay sadyang paulit-ulit din.

Bakit nga ba?

Dahil isa lang ang ibig sabihin ng mga yan. 

ANG LAHAT AY NAKAPLANO NA!

Kung iisipin mo ulit, sa mga aksidente na nangyari sa buhay mo, 

nadulas ka, nakatapak ng dumi, nahulog ka sa hagdan, nakoryente ka... 

Pero kung titignan mo ulit ... anung masabi mo?

Diba parang ganito,

"Kung nag-ingat pala ako, hindi mangyayari sakin  

yung nangyari sakin nung high school pa ko.  

Dapat talaga si Anton yung tumulak dun eh. 

SAYANG!"

Isa pang isip,

"Dapat pala ako nalang talaga yung tumulak 

dun sa nerd na yon. 

Bakit ko pa kasi sinali si Dan sa plano e? 

Wala sana akong klase buong taon noon."

Walang pangyayari na masasabi nating 'Aksidente'. 

Kung tayo lang talaga ay mag-iingat at susunod, tayo ay mabubuhay ng masagana 

na may mahabang buhay.

Ngayon subukan n'yo naman s'yang ilagay sa sitwasyon nating mga pinoy sa gobyerno.

Sa ngayon, ikekwento sa inyo ang isang alamat na ngayon n'yo lang maririnig ng inyong tenga. 

At ito ay ang 'Alamat ng Piano'.

TO BE CONTINUE... 

GeLaKarSenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon