Ang Ngalan ko ay isang Laro (My Name is the Game)

61 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat dito…

(Pangalan ko)

Sinunod ko s'ya ng ganito...

CutE_EmO

Tapos naging ganito...

dark_zero_prince

Nakalipas ng maraming taon...

kartjason

fronda005

Dark

(blah blah blah… hindi ko na maalala)

...

...

...

Sa tingin n'yo? Anu ba 'tong mga 'to?

Tama. Mga pangalan na sadyang mga kathang isip na lumalaro sa isip ng isang malikhain.

Bakit ba meron tayong mga pangalan, ating matatawag na sarili nating mga pangalan?

E dati naman wala yan diba?

Kung ating iisipin ng mahusay ang mga bagay-bagay sa 'ting paligid, ay mapapasin n'yo na ang bawat isa, mapabagay man o may buhay lahat ay may tawag o ngalan, hindi po ba?

Lahat tayo ay kailang ng ngalan upang tayo ay kanilang maintindihan.

Dahil kung wala tayong mga ngalan na maitatawag, ang ating tawag ngayon sa isa't isa ay "HOY" o kaya'y "Panget".

Sa tingin n'yo, may halaga ba talaga sa 'tin ang mga pangalan na kahit kailan ay hindi naman natin alam kung sa'n nanggaling?

Para sa'kin ito'y mahalaga at hindi. Parang walang kwentang sagot diba?

Mahalaga ito dahil sa mensahe na nakapaloob sa iyong pangalan, dahil ang lahat ng pangalan may kanya-kanyang mga kahulugan.

At isa pa, ako'y may isang mahalagang pangalan na kahit kailan ay hindi ko maaaring bigyan kabastusan o panloloko.

Dahil ang pangalan na ito ay maituturing ko ng banal para sa 'kin.

Ito'y ipinagkaloob sa 'kin ng MAYKAPAL at yun ay aking ikinagagalak.

(Dahil ito'y isa ngang banal hindi ko s'ya pwedeng isa-publiko).

At ang mensahe na dala nito ay napakahalaga.

Kung sa bahaging hindi ito mahalaga ay dahil ang pangalan natin ay isang makamundong pangalan. Walang saysay ang pagbigkas nito araw-araw ng iyong magulang, kaibigan, kaklase, kaopisina, katsismis, at ang 'yong crush.

Ang makamundong pangalan ay ginawa para ikaw ay may palatandaan.

Halimbawa ay yung mga manukan o 'poltri'. Upang hindi malito ang mga nag-aalaga, kailangan nila ng palatandaan kaya nilalagyan nila ito ng mga numero o kaya bilang.

Pero kung iisip mo, ang mga pangalan ay parang isang salita o grupo ng mga letra kung maibubuo natin ay magkakaroon ng isang mabuti o masamang ibig sabihin.

Malay mo yung ibig sabihin pala ng pangalan mo ay 'Butt', hindi mo lang nalalaman. O kaya isa na palang mura, parang "Pusangala".

At alam n'yo ba?

Ito'y nakakaapekto sa ating katauhan.

Halimbawa… Ang pangalan mo 'Pia' na ibig sabihin ay 'Kind'.

(Wag kang mag-alala, hindi talaga 'kind' ang ibig sabihin ng Pia. Gawa-gawa ko lang. hehe)

Kapag tinawag ka sa pangalang 'yan, ikaw ay nahuhubog at nagiging mabait ka nga. E kung tatawagin ka palagian ng 'Pia' ng 1000 times, e di sempre isa kanang banal. (hehe)

E kung Angelo kaya? Means "Kapre"? (sabihin lang ng paulit-ulit, hehe)

"Name is not the key,

 But whose the real me."

(katkatfronda - the latest me.)

Email me @ frondakatkat@gmail.com

if you want to know the meaning of your name.

TO BE CONTINUE…

GeLaKarSenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon