Si Mang-aawit at Musikera (The Singer and the Singer) Part 2

16 0 0
                                    

Nagkita ang Musika at ang isa pang Musika.

Isang masayang kumbenasyon.

Itong 2nd sem ay may nakilala si Gelo na isang babae.

Hindi lang ito isang ordinaryong babae, kundi isang Singer din tulad n'ya.

PG

"Ang 'yong mga maririnig ngayon ay sadyang mga kathang isip lamang at wala sa script."

Itatago natin s'ya sa pangalang Jensen, Jensen Lumentigar.

Isinama ko ang kanyang apelido kasi nakaka-astig talaga paginggan. (hehe)

Isang araw naglalakad ng nakatalikod si bida nating si Gelo. At dahil wala pang nakakagawa ng ganon sa aming pinakamagandang paaralan, ako'y sadyang humanga sa pinakikita niyang talento.

Hindi lang sa pagkanta, pati rin sa paglakad ng pabaliktad.

Tapos tinanong ko s'ya,

"Pag kapre ba, baligtad maglakad?"

Sinagot n'ya ko,

"Bansot!"

Pero wala talaga sa script to.

Si Gelo ay tuloy pa rin sa paglakad… ng pabaliktad.

Nang biglang may natamaan s'ya sa likod n'ya, isang babae…

.

.

.

.

.

.

.

basta babae.

Na kasing tangkad n'ya.

Maganda at Cute…

.

.

.

ang nasabing bag nito.

Pero mas bongga ang may-ari.

Syempre sino pa ba, Si Jensen Lumentigar. (sa lahat ng apelido, yung sayo ang di ko makalimutan. haha)

S'ya ay gorgeous, extravagant and fabulous. (Pero alam ko wala talaga sa script to e.)

Si Gelo ay napangisi na (parang) kapre.

Napatitig na (parang) chimpanzee.

At (parang) natatawa sa kanyang sarili.

(tanggalin ang 'parang' sa salita at basahin ulit ang linyang ito.)

At na napa-isip,

"PBB Teens?"

Pero bigla n'yang nasabi sa kaharap n'ya,

"Singer ka no?"

Sagot ng isa,

"Oo! Pano mo nalaman?"

"Sabi sa T-shirt mo?

   ' I'm a Singer '   "

"Oo nga no? Konti lang talaga nakakabasa n'yan e.

 Ibig sabihin Singer ka rin?"

"Oo! Pano mo nalaman?"

"Naglalakad ka ng pabaliktad e.

 Ibig sabihin Singer ka."

At sila'y sabay na lumakad paalis…

.

.

.

Ng pabaliktad.

To be Continue...

GeLaKarSenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon