Sunday...
Ito ang araw na hindi dapat dumadating sa isang taong
itatago natin sa pangalang 'Iya'.
Sa araw-araw ay makikita mo ang kanyang napagandang mukha
at ang pagsalubong sa mga araw na darating pa na may busilak
na pag-awit na may himig na kung saan lahat ay nabibighani sa
kanyang kaakit-akit na musikang pag-ibig.
Oo. Si Iya ay umiibig noong mga panahong iyon. Wala siyang inatupag
kundi ang umibig. Ngunit nagkakamali ka kung akakalain mong sa isang
lalaki s'ya umiibig.
Ang lahat ng bagay na nakikita mo ay kanyang iniibig. At s'ya ay
tuwangtuwa sa mga bagay na nilikha na may buhay.
Dahil sa tingin ni Iya ang bawat isa ay may kulay ang kanilang buhay.
May kanya-kanyang sariling tunog, kapag iyong papakinggan ng maigi.
Nang dahil sa pagmamahal na iyon, Si Iya ay araw-araw umaawit hanggang
siya ay sadyang mapaos na sa kakaawit ng mga masasayang awitin.
Ang lahat ay napapamahal at nagagalak sa mga awitin ni Iya kaya sila ay
laging masaya. Walang problema, laging masaya.
Ngunit sa pagsapit ng araw ng pahinga (linggo -- Sunday), ang
kasiglahan at pagmamahal na bumabalot kay Iya ay biglang napapalitan
ng kalungkutan at kapighatian.
Kung aking ililitrato, s'ya ay parang taga ibang planeta na ayaw
lapitan ng iba.
O kaya naman ay hindi s'ya nadiligan.
Ngunit sa likod ng lahat, nagagawa niya pa rin ang kumanta. Subalit
ang kanyang mga awitin ay pawang mga malulungkot at hindi nakakabuhay.
Bakit nga ba nagiging mahina si Iya sa pagsapit ng araw ng pahinga?
Dahil kaya sa wala siyang pahinga sa araw-araw na pag-awit?
Wala kasi s'yang manager na mag-aalaga sa kanyang mga project?
Kulang sa bugdet kaya walang makuhang recording studio?
O kaya naman naipit yung paa n'ya sa pinto nung isang araw?
(tunog sa Talent show kapag hindi pasok) Mali!
Dahil kapag sa pagsapit ng araw na ito, ang lahat ay umuuwi sa kani-kanilang
mga pamilya upang ipagdiriwang ang araw ng pahinga.
Dahil ang araw na ito ang tanging araw na magkikita-kita at magkakaroon ng
masayang pagkakataon ang pamilya upang ipakita nila sa kanilang mga minamahal
kung gaano nila ito kamahal.
At ang tanging nilalang na naiwan, ay si Iya.
Dahil sa wala s'yang matatawag na 'pamilya'.
Pagkatapos n'ya kumanta ng malungkot na awitin, ay tsaka naman n'ya susundan
ng isang napakalungkot na pag-iyak.
Ngayon, ikaw na ang mag-isip kung paano naging 'alamat ng piano' itong istorya.
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
GeLaKarSen
Teen FictionAng mga sikreto sa likod ng isang magandang relasyon ng grupo. Ibinahagi ko ang aking mga inililihim sa aking mga kaibigan sa istoryang ito. Hope you like it guys! I Love you!