Paglahad sa Misteryosong estudyante (Confession on the Mystery Student)

42 0 0
                                    

College…

Kala ko noon ang college ay isa sa mga nakakatakot na hakbang ng buhay ng isang estudyante.

Yung para bang ibang-iba sa pinanggalingan mong mundo sa high school na puro 'Good Time' lang.

Kasi naririnig ko sa mga sabi-sabi ng mga nakakatanda na

ang pinaka mahirap na antas ay ang kanilang pagtungtong sa KOLEHIYO.

Kaya ganon nalang ang naiwan sa aking murang kaisipan.

Teka n'ga lang, hindi n'yo papala ako kilala no?

Ako n'ga pala yung kilalang si 'BOY SLEEP OVER' , kasi walang hiya ako sa pagtulog sa ibang bahay. =D

Tawagin n'yo nalang ako sa pangalang KAT.

At tungkol naman dito… subaybayan n'yo nalang.

Simulan natin ang istorya nung araw na nag-enroll ako sa paaralan na kung tawagin nila ay 'CaVsu'.

Maaga akong nakarating, wala pang gaanong tao.

S'yempre masaya kasi unti lang yung tao. Kala ko hanggang ganon lang talaga.

Pero pagkalipas ng ilang oras, biglang naging palengke yung campus o kaya naman parang 'Enchanted Kingdom'.

Kasi ang haba ng pila, parang rides yung hinihintay nila. (haha =D)

Habang nakapila, s'yempre kung san-san tumitingin yung mata ko, hanap-hanap chixs. (haha)

At jackpot!

May nakita ako isa. (kahit na malabo yung mata ko! Haha)

Yung buhok n'ya nakapony-tail na nakatirintas, at kulay light brown. (hindi ko sure eh)

Jeans na jacket red na kulay, (ata)

at yung palda jeans(din ata).

At isa mga nagustuhan ko ay maputi s'ya.

Pero ang masama hindi ko nakita yung muka n'ya.

Yung time na yon, napagkamalan ko s'yang anime (si Aeris ng Final Fantasy 7, kung alam n'yo lang).

Mahilig lang talaga ako sa mga anime, kaya siguro s'ya yung unang nakita ko. (hehe)

Gusto ko sanang lapitan yung chicsx, kaso nakita ko kasama yung magulang.

BLEE! Belat tuloy ako…

Natapos nako sa Pinakamatagal na rides! (HAHAHA!)

SA WAKAS!

Kakapagod din pala ang maghintay no?

Di naman ganon kadame…

Kaya n'ga kami nakapila eh!

Yung sa mga oras na'to, bigla kong naalala si 'Aeris'.

Ang ibig kong sabihin, yung chicxs kanina.

Tinawag ko nalang s'yang Aeris, hindi ko pa kasi alam pangalan n'ya eh…

Hinanap ko s'ya pero 'di ko na nakita.

Siguro nakauwi na… *Sigh*

"Anu kaya pangalan 'nun? Sana maging kaklase ko yun!",

yun yung mga nasabi ko sa mga oras na yun,

at ipinagdadasal pa nga.

To Be Continue...

GeLaKarSenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon