tadhana

58 1 0
                                    

Tadhana.
Ikaw at ako.
Mundo.

Sa bawat puwang ng pag ikot ng mundo,
Kasabay nito ang isang pag kibo ng kamay ng oras.

Sa bawat paglipas ng segundo
Ay isa ring tanda ng paglipas ng tadhana.

"Ako ay iyo."
At "ikaw ay akin.": Mga salitang binigkas,
Ng walang pag aalinlangan.

Ngunit sa paglipas ng panahon'y,
Naging pagbigkas ng isang nakalimutang damdamin.

Sa huli,
"ako'y sayo"
At "ika'y akin",

Mga salitang ating binigkas,

Nang tayo'y tinadhana pa.

-----

Ps, the medias used are not mine. Credits to the rightful owner..

Artemis' PensieveWhere stories live. Discover now