ONE
______________________________________________________
"Turn on the music~"
The bass goes boom, and as usual where do you expect me to be? Nandito ako ngayon sa isang mamahaling bar. Kasama ko ang mga kaibigan ko, or shall I say partners in crime. Nandito si Cherry, Yina at Bloom. Naka-upo kami ngayon sa usual spot namin malapit sa counter. VIP room kasi toh, You can't blame me for being rich. Although mas mayaman naman ang asawa ko eh. Oh yes, May asawa ako. Kahit 22 palamang ako may isang possesive husband na ang peg.
"Hey look at that guy, Medyo okay na siya. Pero parang wala siyang abs eh." Sabi ni Yina. Napatingin naman kami sa lalaki'ng tinuro niya sa dance floor.
Chinito ito, medyo moreno ang dating ng kutis niya. Itim ang buhok niya at malalalim ang mga titig sa mga mata niya. But his hot eh? Tumayo naman bigla si Cherry at pumunta sa harapan namin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya habang nakapamaywang.
"Akin na siya ah." Kumindat ito at tumalikod na din. Nakita kong siyang naglakad papunta sa lalaking iyon. Pinulupot naman ng lalaki ang mga bisig nito sa beywang ni Cherry. Naka-side view si Cherry kaya kitang-kita ko ang seductive smile niya.
Sa totoo lang, Nakaka-akit talaga ng tingin ang babaeng toh. Cherry Lois Ventura, Maganda siya at sobrang yaman din. Sikat ang negosya ng Mommy niya dahil may cloth-line sila dito sa Pilipinas na super sikat din. Habang ang Dad niya naghahadle na isang corporation.
Mahabang ang buhok ni Cherry, Wavy sa dulo at nakaka-akit ang bawat ngiti niya. Maganda talaga siya for short.
Tingin parin kami ng tingin sa kanya habang ina-akit niya yung Chinito. Ilang segundo ay hinatak na ng chinito si Cherry palabas ng bar. Ahem alam na.
Humalagpak ng tawa si Yina at Bloom sa ginawa niya. "Loko talaga yung aswang na yun. Kung alam lang sana ng chinito'ng yun ang gagawin ni Cherry sa kanya." Napa-smirk naman ako sa kanila.
"Bitin yun for sure. Pero infairness hah, ang galing ng bitch na yun." Sabi ni Bloom. Tumawa kami habang nag cheers. Tumayo naman agad si Bloom at naglakad sa dance floor.
"It's my turn baby." She said from a far. Umiling-iling nalang ako habang kitang-kita ko ang mga lalaking naka-tingin sa kanya.
Bloom Wiza Cruz, siya lang naman ang anak ng sikat na artista ng Pilipinas. Mayaman sila bukod sa artista ang Mommy niya. Doctor ang Dad niya. May modeling career na din siya. Maganda siya at mahinhin sa labas. Pero sa totoo lang, baliw din yan'.
"Yina, wala ka bang plano para sa iyo?" I smiled teasingly. Paano kasi, seryoso tong si Yina sa boyfriend niya. Siya lang siguro ang mahilig sa commitment sa amin apat. 2years na siya sa half-german niyang boyfriend. Kaya ayun, may kasalo na siya. Ahem alam niyo naman diba?
"Naku, Fiona. Seryoso ako sa lablayp ko. Kaya ikaw seryosohin mo din yang asawa mo eh!" Saway niya. Kinuha ko naman ang beer at inilagyan ang baso ko. "Alam mo Yina, Hindi ko naman talaga mahal yung mokong na yun. At higit sa lahat pangalan lang niya ang dala ko."
Ngumiwi ito at bigla ngumisi. "Nakuu, the more you hate, the more you love." Sinapak ko siya at tawang-tawa naman ang loka.
"Wa'g mo ako'ng igaya sayo, Yina. I hate commitments. At isa pa, katawan lang natin ang habol sa mga lalaki ngayon ano." Inirapan ko siya, unti-unting pumawi ang tawa niya. From the corner of my eyes nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti.

BINABASA MO ANG
Officially His
Fiksi RemajaBitch, Rich and Married. That's the only three words she can describe about herself. Meet Fionna Venice Smith. She has it all, except the love she ever wanted.