Saksi ang buwan sa pagmamahal ko sa 'yo
Na kung paanong nung nawala ka
Ay pinilit kong buhayin ang mga alaala mo
Dahil Tristan, noong iniwan mo ako dinala mo ang puso ko
Ngunit ngayon saksi ang buwan
At ang bawat tala sa kalangitan
Para sa ikabubuti ng lahat kailangan kitang pakawalan
Ang maipapabaon ko na lang ay ang ating pagmamahalan
At bago ka makalabas sa pintuan
Isang mahigpit na yakap ang iyong iginawad
Walang kasiguraduhan kung ikaw ay makakabalik
Dahil ikaw ang pain, at baka buhay mo ang maging kapalit