Ilusyon

70 4 0
                                    

Masaya ako at muli kong naramdaman ang iyong paglalambing

Kasabay ng malamig na ihip ng hangin

Mababakas ang ngiti sa aking mga labi

Habang nakatayo ka sa isang tabi

Ngunit sa pagpikit ng aking mga mata

Kasabay nito ang iyong pagkawala

At ang tanging natitira ay ang iyong alaala,

Alaala noong magkasama pa tayong dalawa

Nahihibang na ata ang kapalaran,

O baka ako ang nakakaranas ng kahibangan?

Dahil isa ka lang palang kasinungalingan

Isang anino na naglalayo sa akin sa katotohanan

Tama nga sila, nalunod ako ng pagmamahal mo

Kaya gumawa ako ng mundo kung saan meron lang na ikaw at ako

Di ko namalayang binabalot ko na pala ang sarili ko sa imahinasyon

Sa isang mundong, gawa lang ng isang ilusyon

Tinta ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon