Sapat na ba ang matawag akong punong bantay?
Kahit wala naman akong kapangyarihang taglay
Ano ang dapat kong gawin?
Sa mga panahong tinatawag ako ng aking tungkulin?
Ang sakit, ang bigat sa pakiramdam
Na parang wala kang magawa
Kasi kulang, kasi hindi sapat
Kahit nasa puso ko na ang protektahan sila.
Ngunit napagtanto ko habang nakatulala ako sa kawalan
At napakaliwanag ng kalangitan
Hindi lang naman kapangyarihan ang makakatalo sa Supremo
Maaring gamitin ang puso, dahil mas makapangyarihan ito sa kahit na ano.