Bitiwan Mo Ako

101 3 0
                                    

"Malia, bitiwan mo ako"

Yan ang sinabi mo nung hinawakan ko ang braso mo

Upang pigilan kang umalis,

At ako naman nagbabakasakaling hindi mo ako matitiis

Ngunit mali ang aking hinala

Tinitigan mo lamang ang aking mga mata,

Ngunit sayo ay walang ekspresyong makikita

At muli ko na namang narinig ang mga katagang "Malia, bitiwan mo ako"

Pero kahit sobrang sakit, at ubos na ubos na ako

Pinilit kong kumapit dahil hindi... Hinding-hindi ako bibitaw sayo

Dahil nangako akong sayo ko lang ibibigay ang puso ko

At gagawin ko ang lahat, para magkasama lamang tayo

Na kahit ikaw pa mismo ang pumapatay sa puso ko

Patuloy pa rin akong kumakapit sa pangako mo

Na sa tahimik at simpleng buhay ay magkakasama tayo

At tutuparin ang mga pangarap nating unti-unti ng naglalaho

Dahil umaasa pa rin akong babalik yung dating ikaw

Na nagtatago lang sa madilim na parte kung saan walang ilaw

Dahil alam kong nandyan pa rin ang Tristan na minahal ko

Kahit sinasabi nilang wala na at tuluyan ka ng nagbago

At nabalik ako sa realidad ng muli kang umimik

"Malia, bitiwan mo ako" yan ang mga huling katagang iniwanan mo

At kahit sinabi kong hindi, umalis ka pa rin at iniwan akong nakapikit,

Nanalangin na sana ay muli kang manumbalik at ito ay isa lamang panaginip.

Tinta ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon