Tinatago

109 4 0
                                    

Simula ng makulong ka sa sumpang iniiwasan mo

Ay parang tila ba nagbago ang ikot ng mundo

At ang ihip ng hangin ay bumaligtad ang tinutungo

Tristan, tuluyan ka na nga bang nagbago?

Ngunit ano itong mga ginagawa mo?

Sa likod ng malamig mong pagkatao

Na 'pag nag-iisa ay bumabaliktad ka sa iyong grupo,

Bakit palihim kang tumutulong sa lahi ng taong minahal mo

Ano nga ba ang tumatakbo sa isipan mo?

Napakahirap basahin ng mga mata mo

At ito ang naghahatid sa amin sa pagkalito

Tristan, ano nga ba ang tinatago mo?

Tinta ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon