Chapter 5: Chienne Costez

20 0 0
                                    

Chienne's POV

*tok*tok*tok*

"Chiiiiiinn bangon na breakfast is ready"

Nagising ako sa katok at sigaw ng mommy ko. Tumayo ako pero bigla akong nahilo ramdam ko ang pananakit ng aking ulo. Mukhang may hang over pa 'ko.

"Wait mommy maliligo lang ako" sagot ko saka dumaretso sa cr para maligo at para mahimasmasan na din.

Habang naliligo ako ay pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. At nang dahil dun ay sumakit lalo ang ulo ko. Ang natatandaan ko lang bago ako mawalan ng malay eh nakita ko siya. Siya na matagal ko ng pinagtabuyan at sya na parte ng aking nagdaan. Totoo ba yun na nakita ko talaga sya o panaginip lang?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko para akong patay na buhay. Ang lungkot-lungkot ng puso ko ang bigat-bigat ng pakiramdam ko na para bang pasan-pasan ko ang mundo ang daming gumugulo sa utak ko. Natatakot ako, natatakot sa susunod na maaring mangyari sa relasyon namin ni Nikko na baka mamaya,bukas o sa makawala iwan na nya ako at di ko ma-imagine ang sarili ko kung mangyari man ang kinakatakutan ko. Naging mabagal ang pagligo ko dahil wala akong kagana-ganang kumilos dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Nang matapos na kong maligo I checked my cellphone hoping that I'll get a message or even a call from him but I was quietly disappointed.
Nag-away kami kagabi umaasa na kinabukasan ayos na kami but its to far from my expectation because in reality he doesn't care about me anymore. Pero sana kabaligtaran sya nang iniisip ko. I love Nikko that much hindi ko makakaya kung mawawala sya. Sya ang buhay ko sya ang kumumpleto sakin. Napabuntong hininga na lamang ako saka ibinulsa ang cellphone at lumabas ng room.

"Good morning Chin my baby" bati sakin ni mommy habang inaayos ang mga pinggan sa mesa.

"Good morning din" bati ko rin sa kanya saka na'ko umupo.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong ni mommy

Hindi maganda ang pakiramdam ko lalo na ang puso ko. Gusto kong sabihin yun pero baka maging emosyonal pa'ko saka di ko ugali ang magsabi ng problems sa kanya.
"Ayos na medyo may hang over pa pero carry pa naman" sagot ko saka pilit na ngumiti. Tumango na lamang ito saka nagsimula ng kumain.

Nakakabinging katahimikan habang kami'y kumakain na tanging mga pinggan at kubyertos ang maririnig.
Nasanay na'ko na ganto na tahimik lang habang kaharap sya. Hindi ako mahilig magkwento kay mommy dahil hanggang ngayon ay may konting galit parin akong nararamdaman sa kanya saka di ko feel na mag-open sa kanya dahil alam kong wala naman syang pake sa nararamdaman ko kaya para saan pa kung magkukwento ako sa kanya diba? I don't want to waste my precious saliva just for her. Besides puro pera lang ang laman ng utak nya nagawa nya nga akong ipagtulakan sa taong hindi ko mahal kahit na may mahal na'kong iba sa mga oras na yun. Hindi nya inisip ang kapakanan ko at ni Axczel, hindi nya inisip na pareho kaming masasaktan ni Axczel sa plano nya at pinagsisihan ko ng sobra na nagpadala ako sa mga salita niya . Palibhasa mukha syang pera! Sabagay bat ba'ko magtataka namatay nga si daddy dahil sa katakawan nya sa pera! Hindi naman sa mahirap kame hindi rin kami mayaman kungbaga sakto lang. Kaso hindi alam ni mother ang salitang 'contentment' kaya ganon nalang ang pagtrabaho ni daddy para hindi sya iwan ni mommy to the point na napabayaan nya na ang health nya nagkasakit at namatay. She's a selfish and gold digger!!! I hate her! And I also hate the fact that she's my mother.

GISINGIN ANG NATUTULOG NA JR.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon