Chapter 6: Esperanza Mendez

12 0 0
                                    

Esperanza's POV

Nandito ako ngayon sa bar para magtrabaho haha syempre di naman pwedeng party-party ako dito dahil ayokong magsayang ng pera para sa panandaliang saya lalo na ngayon na kailangan kong  makaipon para sa pag-aaral at pagpapagamot sa nakababata kong kapatid.

Hayys nakakapanibago ang gantong buhay pero kailangan masanay. Date hindi ko kailangang magtrabaho para magkapera dahil may magulang akong mayaman na mahihingan pero nagbago ang lahat nang maaksidente si daddy at sa sobrang depressed noon ni mommy dahil sa di matanggap ang pagkawala ni daddy napabayaan nya ang company hanggang sa malugi't magsara. Tas si mommy ayun humina ang katawan nya hanggang sa namatay, naiwan ako kasama ang kapatid ko na may sakit. May brain tumor sya. Tas yung bahay namin kinuha ng bangko dahil may mga utang pa daw kami buti nalang pinatira kami ni yaya Carmella sa bahay nila tas bilang kapalit tutulong ako sa gastusin sa bahay 5 years na kaming nakikituloy sa kanila.
Nakakalungkot dahil di ko man natapos ang college tas tumigil na muna din ang kapatid ko dahil sa gipit na gipit talaga kami pero nag-iipon ako para makapag-aral uli ang kapatid ko, kahit sya na muna. Hayys
Enough muna sa drama hahaha balik tayo sa trabaho.

"Waiter" tawag ng isang babae sakin. Dali-dali naman akong lumapit. Familiar ang babaeng 'to sakin. Hayys ano ka ba Ranz malamang familiar sya sayo dahil baka suki sya ng bar kaya ganern. Hahaha mukang tanga lang kinakausap ko na naman ang sarili ko. Dapat siguro magpacheck up na'ko. Napailing ako sa mga iniisip ko.

"Waiter?" patanong na tawag nya dahilan para mabalik ako sa ulirat

"Yes ma'am?" tanong ko.

"I said give me another whisky" ma-awtoridad nyang wika. Mapupungay na ang kanyang mata sa tingin ko ay lasing na lasing na sya.

"But your too drunk  ma'am"

"You don't fucking care! Just give me what I want" sabay tulak sakin ng mahina. Tinitigan ko sya ng mabuti saka nya ko tinaasan ng isang kilay.

"Do you have any problem at me?" mataray na tanong nya. Napailing ako.
"Nothing ma'am" mapapasabak yata ako sa english-an.

"Ako kase may problema ako sayo" saka nya ko nginisian at tinuro. Nakakatakot baliw yata itong kausap ko ang ganda pa naman.

"Huh?" wala sa sariling tanong ko.

"Nevermind just give me what I want and I don't want to see your face right after coz you irritating me!"saka ako inisnaban. Pishting babae iniirita ko daw sya eh sya nga tong nakakarita eh. May problema daw sya sakin eh sa pagkakatanda ko wala naman akong ginagawa sa kanya. Sinunod ko nalang ang sinabi nya mahirap na baka mapaaway pa'ko at mawalan ng trabaho

Maputi at makinis sya pero bakit ganon? Ang sama ng ugali tsk tsk buti nalang maganda pagmumukha nya dahil yun lang ang nakakaganda sa kanya bwahahaha angat na angat parin kagandahan ko kung ganon maganda na sexy na mabait pa. San kapa? Dito na kay Esperanza hahaha sabagay wala namang nakakapantay sa kagandahan kong taglay. Napangiti ako sa sariling iniisip nang biglang may tumapik sakin mula sa likuran.

"Mukha kang baliw dyan hahaha anong ngini-ngiti mo?"tanong nya. Si Erielle pala ang nag-iisang bestfriend ko na may pagka-tomboy anak sya ni yaya Carmella. Bale magkatrabaho kame, sya ang nagpasok sakin dito.

"Hahaha wala ka na dun kute" saka kunwaring inismiran. Kute tawag ko sa kanya dahil kuya ate ko sya ganern. 2 years lang naman agwat nya sakin.

GISINGIN ANG NATUTULOG NA JR.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon