Chapter 10

14 0 0
                                    

Esperanza's POV

"Ranz  tara na punta na tayo sa office ni boss nang makauwi na tayo"

Bumalik ako sa ulirat ng magsalita si kute. Idunno what's happening to me kanina pa'ko kinakabahan ng walang dahilan kaya tuloy para akong lutang. Siguro dala lang 'to ng pagod

"Aray!"bulalas ko nang pitikin ako ni kute sa noo.

"Lutang ka na naman" wika nya. Nagpout na lamang ako saka hinila nya ang kamay ko para makapaglakad papunta sa office ni boss.

Pagkarating namin sa tapat ng office nya ay agad na'kong kumatok ewan ko ba pero kating-kati na'kong umuwi.

"Come in" wika ni boss. Kaya agad na kaming pumasok. Nakita kong may kausap si boss pero di ko alam kung sino yung kausap nya dahil nakatalikod sa'min yung kausap nya. Binaling sa'kin ni boss ang tingin dahilan para mapaharap yung lalaking kausap nya. Kaya pala familiar ang pigura ng lalaking 'to sakin. Hmm I was wondering, maybe he's a friend of our boss saka pansin ko din na napapadalas na ang pagpunta ng lalaking 'to dito sa bar. Tiningan ako ng lalaki saka nya 'ko nginitian. There is something in his smile and I don't know what is the right term to describe his smile.

"Ax sya yung tinutukoy ko na naghahanap ng part time job" sabay turo sakin ni boss Chris so Ax pala name nya? Kahit matagal ko na syang nakikita dito sa bar di ko man magawang tanungin name nya syempre pinangungunahan ako ng hiya hahaha saka bakit ko naman tatanungin name nya?!. Tinitigan naman ako ni Ax daw mula ulo hanggang paa.

"Not bad"wika nito.

"Excuse me?"di ko mapigilang sumabat sa kanila dahil heyuu??pinag-uusapan nila ako at harap-harapan pa.

"Diba Ranz nabanggit mo sakin noon na kailangan mo ng extra income? This is the right and good opportunity for you so don't hesitate to grab it, magiging amo mo sya,in fact he's my bestfriend so mapagkakatiwalaan sya" paliwanag ni boss Chris.

"Yah but what kind of oppurtunity ba? Sorry boss pero wala pa akong experience sa s*x at hindi ako prostitute para gawin ang trabaho na paligayahin ang iba kapalit ng pera saka mas prefer ko po yung kumita ng pera sa mahirap na paraan at trabaho kesa madaling kumita ng pera kapalit naman ay bastusin at molesyahin ang aking pagkatao. I have a respect in myself boss kaya di ko tatanggapin ang offer. I hope you understand that" mahabang litanya ko. Malay ko ba kung ano na yung opportunity na sinasabi ni boss kaya mabuti na yung sigurado at least sa una palang magkakaintindihan na. Saka hindi pang prostitute 'tong ganda ko nuh! Excuse me? Ranz so pretty and sexy is not for prostitute thingy.

"Hah?" sabay-sabay nilang sabi. Tiningnan ko ang reaction ni boss at Ax na parehong gulat sa sinabi ko dahil hanggang ngayon nakanganga parin sila tinignan ko rin ang reaction ni kute na parang di makapaniwala sa sinabi ko. Napakunot ang noo ko sa kanila. Did I say something wrong?

Maya-maya.....

"Pfft hahahahahaha"

"Hahahahaha"

"Bwahahahahaha"

As usual nangibabaw ang tawa ni kute. Pero wala akong matandaan na sinabing joke sa kanila para tumawa sila ng ganyan. Naa-out of place tuloy ako sa kanila. May nahithit ba sila kaya ganyan sila? Mahithit nga next time ang nahithit nila para at least sa susunod makasabay na'ko sa trip ng tatlong 'to.

"Ahehehehehe"nakitawa nalang ako para at least di nila masabing kj ako.

"Ranz ano ka ba! Hahaha pfft. Hindi pagpro-prostitute ang inio-offer sayo ni Ax. She want you to be his maid"paliwanag ni boss sakin na natatawa pa. "Hoy tomboy na mukhang bakla ano bang pinakain mo dito kay Ranz at kung ano-ano ang naiisip hah?" baling naman ni boss kay kute.

"Ewan ko ba dyan boss kulang yata sa utot hahahaha" sagot ni kute saka silang dalawa'y nagtawanan.

Ahh ganon ba yun? Malay ko bang pagme-maid pala ang tinutukoy ni boss. Ihhh eto naman kasi si boss eh may pa 'right and good opportunity' pa kaya ayun tuloy ang naisip ko. Sino ba naman kasing me'sabing yun yung isipin mo Ranz? Hayys kahit kelan talaga di ka nag-iisip kaya ayan tuloy ipinahiya mo sarili mo. Mapapa syit na malagkit ka nalang talaga eh! Kyaaaaah hit me, shoot me, kill me now naaaaaa!!. Superdupercalifragilisticnakakahiya. Huhuhu mga aliens plissssh sunduin nyo na'ko sa earth now naaaa! Napahiya kase ang lola nyo! >_< 

"Enough!"ma-awtoridad na sambit ni Ax dahilan para tumigil sina boss at kute sa pagtawa at sa kanya mabaling ang atensyon nila.
Dahang-dahang lumapit sakin si Ax kaya naging sunod-sunod ang paglunok ko. Kailangan ko na bang kabahan?

"I want you to be my MAID not PROSTITUTE"awtsu kailangan may diin yung maid at prostitute? Tss
"And you'll be start tomorrow. I'll pick up you here at 7:00 am" pagpapatuloy nya.

"Teka pumayag na ba ako sa offer mo? Para masabi mo yang ' I'll pick up you here at 7:am " medyo linakihan ko pa yung boses ko dun sa huli kong sinabi para magaya yung boses nya. Kung maka-set kase ng time kala mo talagang sure na papayag ako sa offer nya saka ihhh ang sarap kayang matulog yokong gumising ng maaga hmp.
"Nah I'm just sure na papayag ka sa offer ko"huh? May lahing manghuhula ba ang lalaking 'to?

"Paano mo naman nalaman na papayag ako sa offer mo?" Tanong ko ulit.
"I just know" sabay ngiti. May lahi nga sigurong manghuhula 'to. Gwafu naman nyang manghuhula kung ganon.

"Stop staring me like that"

Huh? Omegesh kanina ko pa ba sya tinititigan?

"Sorry" yan nalang ang sinabi ko saka nagbaba ng tingin. Humaygad! Di ko na maintindihan sarili ko lagi nalang akong lutang tss. Nakakahiya! Baka kung ano pa isipin ng lalaking 'to. Ikaw naman kase Ranz pigilan mo nga yang taksil mong mata na titigan sya. Ang landeee amp.!

"By the way you will be my maid in just two months nagleave kasi si nannie so ikaw muna ang papalit sa kanya and I want you..."

"H-ha?" Mabilis kong putol sa sinasabi nya.

"Tss I want you to work at me full time at ang sahod mo ay gagawin kong triple sa sweldong natatanggap mo dito and you have to stop working here in this bar just for two months and don't worry napag-usapan na namin ni Chris 'to may babalikan ka parin namang trabaho dito after two months so I guess I see you tomorrow? Wag kang magpapa-late dahil ayoko sa lahat yung naghihintay" saka na umalis.

Ganon nalang yun? Wala man lang interview saka ipapass na resume sa kanya? Watda dinaig pa si flash sa sobrang bilis ng pangyayari. Ikennat!.




***

Pagka-uwi sa bahay wala akong nadatnan na tao. Ni anino nila wala. Saan kaya nagpunta ang people of the world. Gumala ba sila tas di ako ininform? Ayy ganern badbad huhu #feelingbetrayed

 "helloooooooo.....an­ybody home?

 Tengene bat parang kinakabahan ako. Wala naman sigurong masamang nangyari woah! Kalma lang self... Then I pick up my phone from my pocket. Matawagan nga sila hmp.

Dina-dial ko na ang number ni nanay carmella ng biglang bumukas ang pinto.
Umegesh....
Agad kong tinaas ang dalawang kamay ko. Yung sign na suko kana ganern.

"hi-hindi po ako lalaban" nauutal na sambit ko sa taong nasa likuran ko ngayon. Juicecolored katapusan ko na po ba? Waaaaaah Lord di pa po ako ready yowko pong iwan kapatid ko ewmegesh.

"pinagsasabi mo hahahahahahahaha"

Teka kilala ko ang tawa na yan ahh.Dahan dahan akong humrap sa taong nasa likuran ko ngayon na wala paring katapusan ang kanyang pagtawa.




~TO BE CONTINUED ~


PS: Sorry kung ngayon lang po nakapag-update busy lang kase ang lola nyo daming ganap sa buhay hehe. Pero tatapusin ko po itong story na ito,hope you'll continue to support and read this story. Kitakits sa next chapter.Thankyou lovelots mwuaaa.


GISINGIN ANG NATUTULOG NA JR.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon