Chapter 11

4 0 0
                                    

Esperanza's POV

"Tengene mo kute kinabahan ako sayo nang bonggang-bongga" agad kong sabi sa kanya pagkaharap ko.

"Kasama mo ko diba? Susko Ranz bawas-bawasan mo yung pagkape hah OA mo masyado hahahahaha" nakaka-oa na ba yung pag-inom ng kape?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA OGAG KA KASI RANZ ANG OA MO MASYADO HAHAHAHAHA PANO NGA ULIT YUNG 'hi-hindi po ako lalaban' MO PATINGIN NGA ULIT" dagdag nya pa habang humahalakhak sa nasaksihan nya kanina.

"Baliw!" asar kong saad. Hahampasin ko sana sya sa braso ng biglang may naalala ako.

"Ehem! asan nga pala sina Naz?" tanong ko kay kute na sya namang ikinatigil nya sa pagtawa. Biglang sumeryoso yung mukha nya. Nakaramdam tuluy ako ng kaba at takot.

"Why is there something happened? Anong nangyari kay Naz? kute come on! please answer me!!!" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Ranz kalma ka lang ok? kakatext lang sakin kanina ni nanay kani-kanina lang isinugod daw si Nasz sa hospital dahil sobrang sakit daw ng ulo nya at saka hinimatay nasa hospital daw sila nga-" hindi ko na pinatapos pa si kute agad agad akong tumakbo palabas  ng bahay at nag para ng tricycle. Nakita kong hinahabol ako ni kute kaya pinatigil ko muna yang tricycle at pinasakay sya.


***

Pagkadating sa hospital tinanong ko agad yung room number ng kapatid ko at agad ng tumakbo ng malaman ko ito.


Sa kalayuan palang nakita ko na si nanay Carmella kausap ang isang doctor katapat sa kwarto ng kapatid ko. Narinig ko pa ang malakas na pagtawag sa'kin ni kute na ikinalingon ni nanay Carmella. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.

"Nay kamusta po si Naz?" agad agad kong tanong kay nanay . Maluha-luhang tumingin sa'kin si nanay.

"Ang doctor na lang ang magpapaliwanag sayo nak" sabay tingin sakin ng doctor na kausap nya kanina.

"Medyo mabilis lumaki ang tumor sa utak ng iyong kapatid at nasakop na nito ang nakapaligid na tisyu, na nakakaapekto sa tungkulin ng utak dapat sa una palang pinaopera nyo na ang kapatid mo at pinag-therapy edi sana hindi sya humantong sa gantong sitwasyon, Ija masyado ng malala ang sakit ng iyong kapatid kailangan na syang operhan ija pangungunahan na kita malaki-laki ang pera na kakailangan para sa operasyon ng iyong kapatid" wika ng doctor sa'kin.

"Doc handa po akong magbayad ng malaki maghahanap po ako ng pera gagawa po ako ng paraan basta gamutin nyo lang po ang sakit ng kapatid ko nagmamakaawa po ako doc ang kapatid ko nalang po ang natitirang pamilya ko kaya doc please po gamutin nyo po sya gawin nyo pa lahat ng inyong makakaya doc nagmamakawa po ako" hinawakan ko ang kamay ng doctor atsaka lumuhod napahagulgul ako dahil sa sinasapit ngayon ng aking kapatid. Naramdaman kong may yumakap sakin,alam kong sina kute ito at si nanay Carmella ito na sumabay na rin sa paghagulgul ko.

"napakadelikado ng operasyong ito hindi kami sure kung maalis pa namin ang tumor sa utak ng kapatid mo dahil nga sa sobrang laki na ng tumor sa utak ng kapatid mo hindi kami sure kung magiging successful ang operasyon ija kaya ngayon palang ihanda nyo na ang sarili nyo sa kung ano man ang mangayri sa ngayon maghanap na kayo ng perang pang-opera dahil hindi nagoopera ang hospital na'to hangga't di pa nagbabayad o kaya kahit pangdownpayment man lang para maoperahan na agad ang kapatid mo sa ngayon ipagdasal na muna nyo sya kung wala kayong pambayad" anya ng doctor saka na umalis.

Mas lalo akong napahagulgol sa aking narinig nakaluhod parin ako hanggang ngayon.

***
Andito ako ngayon sa chapel ng hospital na'to nakaupo lang habang lumuluhang nakatingin sa imahe ni Jesus Christ.

Panginoon Hindi ko na po siguro makakaya kung mawala pa ang kaisa-isang pamilya ko. Ang dami na pong nawala sa'kin si Naz nalang po ang natitira sa'kin kaya please po nakikiusap po ako bigyan nyo pa po ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ang kapatid ko. Tulungan nyo po kaming malagpasan ito. Nakikiusap po ako, alam ko pong ang lahat sayo ay possible nananalig po ako sayo naniniwala po akong hindi nyo pababayaan kapatid ko. Ipinapaubaya ko na po sayo ang lahat.

Pagkatapos, nag sign of the cross ako at agad kong pinunasan ang mga luha ko. Ako ang pinagkukunan ni Naz ng lakas kaya di ako pweding magmukhang mahina sa harap nya. Lumabas na'ko sa chapel at bumili muna ng tubig kailangan kong pakalmahin ang sarili ko bago pumunta sa kwarto ni Naz. Habang naglalakad ako iniisip ko kung saan ako kukuha ng malaking pera para sa operasyon.
Bahala na basta gagawa ako ng paraan.

***

Pinuntahan ko na si Naz sa kwarto at kita kong tulog sya pati si kute at nanay ay nakatulog na rin. Medyo natawa ako sa posisyon ng pagtulog nila dahil nagsiksikan ba naman sila sa maliit na sofa. Umupo ako sa upuan na katabi ng higaan ni Naz. Pinagmasdan ko ang itsura nya habang tulog napangiti ako ng mapait sa itsua nya ngayon. Naiiyak ako dahil napakabata pa ng aking kapatid para maranasan ito awang awa ako sa kalagayan ng kapatid ko ngayon.

Mommy,daddy kung nandito kaya kayo mangyayari ba kay Naz to? Siguro kung nandito pa rin kayo agad agad mapapaoperahan nyo na siguro sya no. Sana mommy daddy nandito pa rin kayo para di kami mahirapan pareho. Sana nandito parin po kayo para may yayakap po samin kapag pinanghihinaan kami ng loob. Sana.....sana.
Napahagulgol ako ng mahina. Tinakpan ko nalang bibig ko gamit ang kamay ko para di nila ako marinig sa pag-iyak ko.

Ranz kalma lang hah di ka pweding magmukhang mahina inhale exhale inhale exhale.

"Naz ito pangako ko sayo gagawin lahat ni ate para sayo. Mapapaopera kita at gagaling ka tapos mag aaral ka ulit diba? Ang dami mo pang pangarap sa buhay at tutuparin mo pa ito. Promise Naz I'll do anything and everything for you. Ikaw nalang pamilya ko hah kaya wag mo iiwan si ate pakatatag ka Naz and always remember ate will always love you" sabay hawak ko sa kamay nya. At hinalikan sya sa noo.




~TO BE CONTINUED ~

PS: Sorry po sa late update.

GISINGIN ANG NATUTULOG NA JR.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon