Chapter 3

16 2 0
                                    

"Tulala ka nanaman ba Ms. Parrington?"
Umeeksena nanaman tong si Sir Pellegrino

Tiningnan ko lang sya at umayos ng upo.

"Stand up!"

Tumayo ako na parang tinatamad sa klase niya

"What is the whole name of Buddha?"

"Siddhartha Gautama Buddha"
Umupo ako agad pagkatapos kong sumagot

"Bakit ka umupo? Di pako tapos"

Tinaasan ko sya ng kilay tsaka ako tumayo

"Tell me about Buddhism Religion"

"Buddhism Religion believes in their sacred text called The Tripitaka they worship their God in Temple. Their God is Sidharthad Gautama Buddha and their followers called Buddhist."

"May ipagmamalaki rin tong batang to! Maaari ka ng umupo Ms. Parrington! Very well said!"
Tsk tsk. Pagkatapos ipahiya pupuriin? May tama sa ulo to eh.

"May ipapagawa ako sa inyong proyekto ipapares pares ko kayo sa section B"

"Ano pong gagawin?"
Tanong ni Heather

"Mananaliksik kayo base sa ibibigay kong Relihiyon. Kunwari binigay ko sa inyo ay Islam, kailangan niyong mag interview ng mga Muslim"

"Bakit po kailangan ipares pares pa?"
Sabi ng isa kong kaklase

"Para ma socialize naman kayo sa ibang section. Lalo natong si Leif akala mo nasa kanya lahat ng problema sa mundo. Isang tanong isang sagot. Hindi ba napapanis laway mo?"

"Kung magsasalita ba ko may mapapala ako? Sir? "
Pa epal tong teacher na to eh.

"Meron. Ang makihalubilo, kaya nga ipapares pares ko kayo bukas na bukas ididikit ko sa bulletin board ang bawat partners."

"Sige sir!"
Sabi ng mga kaklase ko

*Discuss*

*Discuss*

*Discuss*

*Recess time*

"Leif halika na"
Yaya sakin ni Heather

"Mauna kana, susunod ako"

"Sige sumunod ka ah. Sa table 4 ako maghihintay"

Tumango lang ako sa kanya at inayos na ang gamit ko. Kinuha ko yung Vita Milk sa bag ko at dinala papuntang canteen.

"Shit!"

Sigaw ng lalaking nakabangga ko at nabasag sa harap niya yung Vita Milk na dala ko, napunta sa sapatos niya ang nga bubog at natalsikan ang ibaba ng pantalon niya

Tiningnan ko lang sya at hindi ko ipinakitang nagulat ako

"Alam mo ba kung magkano tong sapatos nato?"
Sambit niya nang nanlilisik at nakaderetsong tingin sa mga mata ko

Makasigaw eh sya naman yung di tumitingin sa dinadaanan niya.

"Hindi, bakit ko naman malalaman yan eh hindi naman ako bumili niyan"
Sagot ko

"Aba! Mahal pato sa buhay mo!"
Sabi niya at hinubad ang sapatos niya at binato saakin. Pero agad naman akong nakaiwas

"Bakit ka umiwas?!"

"At bakit hindi ako iiwas? Edi masasaktan ako tanga"

Hinubad niya pa ang isa pa niyang sapatos at ibinato saakin pero nakaiwas rin ako agad

"Sinabi ng wag kang iiwas eh!"

"Ano akala mo sakin? Tanga?"
Sabi ko at lalagpasan na sana sya pero nahawakan niya ang braso ko.
Anong klase skwelahan to mahilig humawak ng braso tsk.

"Do you know me?"
Deretsong tanong niya

Tiningnan ko muna yung kamay niya na nakahawak sa braso ko atsaka sumagot

"Bakit ba ang kulit ng tokong niyo? Bakit palagi kayong nagsasabi na kilala kayo? Artista ba kayo?"
At tsaka ko tinanggal ang kamay niya sa braso ko
Huminga muna sya ng malalim at nagpipigil bago nagsalita ulit

"Pasalamat ka babae ka. Mag sorry ka nalang sa harap ko yun lang"

"Di ako marunong non eh"
Sabi ko

"Gusto mo talagang patulan ka?"

"Pinatulan mo na nga ko eh"

"Hindi niya ba kilala si Zero?"
Narinig kong sabi ng mga babae sa palibot namin. Andami ng estudyanteng nanonood saamin.

"Kilala nga ako dito eh bakit ikaw hindi?"
Malamang Transferee ako bobo tangna

"Tss. Hindi to interview kaya padaanin mo na ko"

"Mag sorry ka para padaanin kita"

"eh hindi nga ako marunong eh. Bat ba ang kulit mo?"

"Eh bastos ka rin pala eh"
Sabi niya at bigla niyang kinuha ang Fruit Juice ng kasama niya at itinapon sa pagmumukha ko.
Nakaramdam ako ng galit dahil isa lang ang uniporme ko minantsahan niya pa.

*PAAAK*
Sinapak ko sya at bigla naman syang natumba sa sapak ko

"Zero!"
Biglang sigaw ng babaeng apo ng Principal at lumapit sa kanya

"Sinapak ng babae si Zeroo!"

"Baliw na ba sya?!"

Sigawan ng mga babae

Tumayo yung babaeng apo ng Principal at akmang sasampalin ako pero napigilan ko agad yun

"Sinabi ng hinding hindi makakadikit yang palad mo sa pagmumukha ko eh bat ba ang kulit mo?"

"Bakit mo ginawa yon kay Zero?!"
Sigaw niya habang pinipilit na saktan ako

"Ipagpapatuloy mo yan? o babaliin ko tong kamay mo?"
tumigil naman sya at binitawan ko na ang kamay niya. Tumayo rin si Zero daw at humarap sakin.

"Who are you para sapakin ako!?"
Malapit na malapit sya sakin dahil sa sobrang galit niya

Nginisihan ko lang sya kaya mas nanggigil pa sya sa galit

"Hindi kaba natatakot?"
Pang aasar pero galit na sambit niya

"Oh boy. I'm scared with nobody"

Dahil sa sobrang gigil ay hinawakan niya ang kwelyo ko pero agad ko naman itong natanggal at sinapak sya ulit

Pero this time hindi na sya natumba

"How dare you!"
Sigaw ng apo ng Principal at akmang sasabunutan ako

"Subukan mong lumapit. Aabutan ka ng pamilya mong walang buhay"
Natakot naman sya sa sinabi ko kaya napaatras sya

"Sinasabi ko sa inyo. Ayaw ko sa lahat eh yung ginagalaw ako."
Tiningnan ko agad yung babaeng apo ng Principal

"Sinabi ko naman sayo, hindi ako patas kung lumaban"
Dagdag ko pa at tinalikuran na sila. Nakita ko si Heather na nanonood na takot na takot kaya hinila ko nalang sya palayo doon

"bakit mo sinapak si Zero?!"
Nanginginig na sambit ni Heather

"Walang Modo eh"

"Natatakot ako para sayo Leif"

"Psh"
Tanging sagot ko

"Hindi mo ba alam. Pamilya nila ang may pinakamalaking Investment dito sa school nato. Sya ang tinitingala ng lahat tapos sinapak mo lang"
Naawang sambit nito

"Hindi mo rin ba alam na wala akong paki alam kahit sila pa ang pinakamayaman sa buong mundo?"
Sagot ko at seryosong nakatingin sa table.

Sayang yung Vita Milk ko huhuhu

"pano kung ma expel ka?"

"Hinding hindi mangyayari yun"
Natatawang sambit ko

"Pano mo naman nasabi yan"

"Ma eexpel muna kayong lahat dito bago ako"
At natawa nako

"Dapat pala palagi kang tumatawa eh. Mukha ka kasing manghuhula sa sobrang seryoso HAHAHA"

"Letche"
Sabi ko at inirapan sya.









Readers! I hope you enjoyed the Chapter 3! Don't forget to votee 😍😍

Genuinely AestheticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon