"Leeeif"
Umiiyak na sambit ni Layla habang nakaluhod sa harap ko"Hindi mababalik ng pagluhod luhod mo dyan ang buhok ko"
"Patawad Leif. Patawad. Please don't do this to us. Don't fire my grand father"
"Sinabi nang di mababalik ng pagluhod mo dyan ang buhok ko eh!"
Sigaw ko ko sa kanya."Maawa naman kayo"
Sabi naman nung Principal"Maawa? Naawa ba kayo sa kapatid ko? Kung sigaw sigawan niyo sya eh akala niyo hampas lupa! Tingnan niyo sya! Sya ang may ari ng territoryong tinatayuan niyo! Umalis na kayo sa Harap ko kung ayaw niyong----"
"Ate"
Pinigilan ko na sa pagsisisigaw si ate atsaka bumuntong hininga
"Ate hayaan mo na sila"
Mahinahon na sambit ko"Ano!? Hayaan!? Nababaliw kana b-----"
"Ate!"
Sigaw ko kaya napatigil naman sya agad"Principal, hindi kita tatanggalin dito sa isang kundisyon"
"Salamat iha. Salamat"
Napabow pa siya habang nagpapasalamat saakin"walang makakalabas na kwento tungkol sakin"
"Makakaasa ka. Hinding hindi namin ito ipagkakalat"
Sabi ng Principal"At ikaw"
Tiningnan ko si Layla ng nanlilisik ang mga mata
"Kapag ito inulit mo pa at hindi ako nakapagpigil, kakalbuhin kita mula ulo hanggang paa""Leif! patawad! Pangako hindi makakalabas to at hindi ko na uulitin pa!"
Sambit ni Layla habang iyak ng iyakTinanguan ko lang sya atsaka hinila na si ate papuntang field
"Ate! Bakit mo sinabi yon?"
"Yung alin!? Ikaw na nga tinulungan ikaw pa galit!"
"Yung ako yung may ari nitong school!"
"Eh totoo naman diba? Pamilya tayo kaya tayo may ari nito!"
"Hindi ate eh. Hindi mo kase naiintindihan"
"Yung ano ba yung kailangan kong intindihin!?"
Nagsisigawan na kami sa field pero mukha namang walang tao"Weizacker ka, Parrington ako"
"Ano bang kinalaman niyan eh ako kadugo mo?"
"Tsk!"
Tanging sagot ko atsaka nauna nang umalis sa kanya
Galit na galit ako kay Layla pero pinigilan ko lang nauna na kong umuwi dahil kailangan kong magpalamig muna ng ulo.
Pagdating ko ng bahay ay napatingin ako sa salamin.
"Alagang alaga kita. Tapos sisirain lang nila"
Sambit ko habang hinahawak hawakan ang buhok kong putol sa gilid na parteTinawagan ko ang hotline ng isa sa mga salon na malapit dito para mag home service at maya maya ay may dumating na na bakla
"Hello Ma'am are you Leif Parrington?"
Tumango lang ako at umupo na sa swivel chair
"Ma'am ano pong ipapagupit niyo?"
Tumalikod ako para makita niya ng buo ang buhok ko
"Pakiayos nalang. Kahit umikli yan basta maayos"
Sambit ko habang nagpipigil ng inis"Nagunting po ba itong buhok niyo? Sayang naman po ang ganda na sana"
Hindi ko na sya sinagot at tsaka nag isip.
Alagang alaga ko tong buhok ko na to tapos.. Tapos.. Kung hindi lng talaga ako nakapagpigil kanina baka napatay ko na yong Layla na yon.
BINABASA MO ANG
Genuinely Aesthetic
FanfictionThey say that even if we tell lies, it will still reveal the truth through our eyes.