Tahimik akong nahatid ni Keila sa apartment at umalis narin sya agad dahil may aasikasuhin pa daw sya
Padabog kong sinara ang pinto matapos kong makapasok sa bahay
"oh? Anong nangyari sayo?"
Tanong ni Ate"wala"
Tanging sagot ko lang sa kanya at umupo sa sofa."balita ko bumalik na si khander"
Agad akong napapikit ng marinig ko ang pangalan niya
"wala akong pakialam"
Sagot ko at umakyat na sa kwarto koNapaupo ako sa kama at pinagmasdan ang picture namin ni papa na nakapatong sa side table.
"Pano kaya kung di ka namatay Pa?"
Kinuha ko ang maliit na papel na nakadikit sa likod ng picture frame at binasa ulit ang sulat ni papa.Leif anak, miss na miss na kita at mahal na mahal rin kita. May nagtatangka ng buhay ko anak. Sinulatan kita upang ipaalam sayo na mag iingat ka. Dahil baka pagtangkaan rin ang iyong buhay. Wag kang mag alala. Ayos lang ako dito anak at kaya ko ang sarili ko. Ingatan mo ang sarili mo dyan babawi ako pag nagkita tayo mahal kong anak
Naiyak nanaman ako. Kahit paulit ulit ko na tong nababasa hindi parin nauubos ang luha ko katutulo.
Sabi mo Pa babawi ka? Eh nung nagkita tayo nakahiga kana.
Alam kong mali ang imbestigasyon kung bakit ka namatay.
Alam kong di mo papatayin ang sarili mo dahil mahal moko.
Kung sino man ang nag tangka at ang pumatay sayo mahal kong ama. Ipaghihiganti kita."Leeif!"
Narinig kong sigaw ni ate.
Nakatulog na pala ako kaiiyak"buksan mo tagal naman oh!"
Nilakasan pa ni ate ang pag katok"anak ka naman ng tokong sandali lang"
Sigaw ko rin at binuksan na ang pinto"ano ba?!"
Naiinis kong tanong kay ate"kanina pa kaya ako katok ng katok, linisin mo nga tenga mo di mo na ko marinig e"
"Palayasin kita dito e. Ano ba kase yon?"
"Tumawag kasi si Mommy. Pinapapunta tayo sa mansyon e."
"anyare? Ayoko nga"
"importante daw. Kaya kailangan na nating pumunta ngayon din."
Napakamot ako sa ulo sa inis"ano ba naman yan nakakainis naman eh"
Pagdadabog ko"sige na mag ayos kana dahil susunduin na tayo dito ni Manong Berto within 30 mins."
Si manong berto ang nag aasikaso samin sa transportasyon. Kaya sya rin ang humahatid sundo samin kapag may alis kami.
Nag ayos nako at pumunta na kaming airport.
May private kaming lupa sa airport at nandoon ang mga private plane at chopper namin.
"Mukhang napaka importante ng sasabihin sa inyo ni Madam kaya pinadali niya akong sunduin kayo dito"
Nakita ko si Manong Berto at napangiti ako agad"Hello po Manong Berto"
Binati namin ni ate si manong at inalalayan niya na kami paakyat sa chopper.Tahimik lang kami bumabyahe mula cavite hanggang cebu.
"Mabuti naman at nakarating kayo agad"
Nakangiting sambit ni Mommy. Nung makapasok kami sa main door ng mansyon. May bisita sya dahil may mga nakaupo sa sala na hindi namin kilala."Leif" umupo ka dito
Utos sakin ni Mommy
Umupo rin naman agad ako sa tabi ni Mommy nakaharap kami sa mga bisita"sila ang Howard Family"
Pagpapakilala ni Mommy
BINABASA MO ANG
Genuinely Aesthetic
FanfictionThey say that even if we tell lies, it will still reveal the truth through our eyes.