Chapter 4

16 2 0
                                    

Pagkatapos naming kumain sa canteen ay pumunta muna kami ng locker ko at dahil isa lang ang uniporme ko ay pinahiram muna ako ni Heather. Pagkatapos ay bumalik na kami ng room.

"Leif dalian mo! Late na tayo ano ba!"
Sabi ni Heather na tumatakbo na

"Mauna ka kung gusto mo"

"Ano bayan!"
Sabi niya at tumigil sa kakatakbo at hinintay ako.

"Why are you late?"
Sabi ni Sir Arsen

"Sorry po"
Sagot ni Heather pero dumeretso lang ako sa upuan ko

"And you Ms. Parrington. Kabago bago mo dito sa school eh napapa away kana?"

Nginisihan ko sya at hindi sumagot

"Anong nginingisi ngisi mo dyan? Alam mo ba kung anong gulo ang pinasok mo?"

"Wala naman ho akong gulong pinasok"
Sagot ko

"Wala? Eh yung pakikipag away kay Layla? At kay Zero?"
Sinong Layla naman yan tss.

"S-sino po si Layla?"
Tanong ni Heather

"Apo ng Principal. At si Zero di mo ba alam na Family nila ang may pinakamalaking Investment dito sa school nato?"

"Alangan namang alamin ko eh hindi ko nga alam diba?"
Informal na sagot ko

"Aba. Sinasabi ko sayo. Hindi ka magtatagal sa school nato"

At sinasabi ko rin, matatanggal muna kayo bago ako

Tumahimik nalang ako at nakinig sa lecture niya.

Pagkaalis ni Sir Arsen ay dumating naman ang bagong teacher. Nanlaki ang mata ko nung makita ko sya

Ateeee. Bakit sya nandito!?

Hindi ko pinahalatang gulat na gulat ako at tae kinindatan niya pa ko.

"Goodmorning Everyone, I'm Kite Reese Weizacker. And I'll be your new Teacher for Mathematics"
Nakangiting sambit niya

"Can you Introduce yourselves?"

Nakangangang napapatango ang mga kaklase ko. Gustong gusto niya naman yan. Akala niya ikinaganda niya tsk2

"Can we start from you?"
Nakangiti niyang sambit at tinuro AKO.

Ngumisi ako sa kanya at alam niya nang naiinis ako kapag nginingisihan ko sya pero tumawa lang rin sya.

"Leif Pauline Parrington"

Tanging sabi ko at tsaka umupo

"Can we know your hobbies?"
Nang aasar talaga eh

"No. I don't have any. And please stop asking me, May I go out"
Sabi ko at biglang lumabas. Tumawa pa sya ng bahagya pero dumeretso nako sa Field. Umupo ako sa damuhan atsaka nag isip

Sabi niya may seminar sya? Letcheee bakit naman kase nandito yuun? Andami daming skwelahan dito sa Bulacan!

So sobrang inis ko ay pinaghihila ko na ang mga damo

"Sinira mo na nga yung sapatos ko kanina tapos ngayon sisirain mo naman yung kalikasan?"
Nakatayo sya sa tabi ko

Tiningnan ko lang sya at bumalik sa paghihila ng damo

"Bakit ka nandito?"
Tanong niya pa

"Eh ano naman sayo?"
Sagot ko

"Bat ba ang yabang mo? Pag ako nainis papatulan talaga kita!"

"Pinatulan mo na nga ako kanina. Tanga neto"
Sagot ko

"Ang yabang yabang mo! Kababaeng tao akala mo naman ang lakas lakas tsk!"
Sabi niya at umalis

Genuinely AestheticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon