WH1

1.9K 78 8
                                    

Sa wattpad, uso ang gumawa ng dummy account, pa-mystery effect ang dating. Well para sa akin, okay lang naman magtago. You can write something you wanted to write dahil wala namang nakakakilala sa 'yo. Me, I'm also a girl ghostwriter, hiding behind my pen name 'squash'. I'm writing because I wanted to express those wild thoughts inside my head, if I will not release those, it will ruin my capacity to think clearly. Baka mabaliw lang ako.

FIVEMONTHS: Puwede makipag-usap?

Habang naglalabas ako ng sama ng loob sa pamamagitan ng pagsusulat, someone sent me that message in wattpad. Sobrang random kaya naagaw agad nito ang atensyon ko. Tumingin ako sa profile niya, it is also a dummy account. Napaka-weird ng bio niya, "Five months, just give me those months to decide." Related sa ginamit niyang pen name. Sa pag-aakala kong matino naman, I replied.

SQUASH: Ano 'yon?

FIVEMONTHS: Busy ka?

SQUASH: Kung oo, titigil ka ba?

FIVEMONTHS: Hindi^___^

SQUASH: Magtanong ka na bago ako mag-exit.

FIVEMONTHS: 'Di ka magagalit?

SQUASH: Ewan. Depende.

Nakakatawa dahil imbes na mag-hi o hello sana muna, hindi namin ginawa. Wala rin tanung-tanong ng pangalan.

FIVEMONTHS: Isa ka bang pipi?

Nagulat ako sa tanong niya. Alam ko na may ganoon klaseng tao, 'yung tipong papadalhan ka ng mensahe bigla-bigla, 'yung walang dahilan at 'yung magpapagulo sa utak mo. Hindi ako nagalit, nabigla lang ako dahil siya pa lang ang unang nagtanong sa akin ng wirdong tanong.

SQUASH: What? What are you talking about?

FIVEMONTHS: I've read one of your story. Kaya ang alam ko, hindi ka nakakapagsalita. 'Yung postscript mo do'n, nakatago sa isang code. I love codes, I was able to decipher it.

SQUASH: Nagbabasa ka ng gawa ko?

FIVEMONTHS: Yeah, sobrang galing kasi. 'Yung tipong malayo sa mainstreams, pinag-isipan, hindi ka lang nagsusulat para makahakot ng mambabasa, kundi nagsusulat ka dahil gusto mong maka-impluwensya sa tao nang magagandang aral. Your stories isn't just about writing, it's about passion and commitment.

For some reason, natuwa ako. Marami nang nakakapansin sa mga k'wentong nilalagay ko sa wattpad, at marami na rin ang komentong natatanggap ko. I'm not into votes and comments, but when somebody appreciates my work, it will boost my confidence. They are the reason why I write better. Imbes na sagutin ang tanong niya, nagpasalamat na lang ako.

FIVEMONTHS: Hindi mo sasagutin tanong ko?

SQUASH: Kung hindi ba ako nakakapagsalita?

FIVEMONTHS: Yeah.

SQUASH: Bakit gusto mong malaman?

FIVEMONTHS: Trip ko lang:)

SQUASH: May nakakatawa ba?

FIVEMONTHS: Suplada ka ba?

SQUASH: Pa-mental ka na. Asar!

FIVEMONTHS: Joke lang! Haha. Pero seryoso, pipi ka?

SQUASH: Yeah. I'm mute. Voiceless. Masaya ka na?

Hindi ako nag-alinlangan na umamin. Siya lang kasi ang tao na nakasagot sa code na nilagay ko sa aking writer's note. Hindi naman ako magaling sa pagtatago, ngunit marunong akong magpaliguy-ligoy at maglagay ng maskara sa loob ng aking mga salita.

FIVEMONTHS: Paano ka nabubuhay nang wala ka man lang ibang magawa kung galit ka? I mean, how did you deal with those words inside of you if you don't have a pen to release all your pains?

Sa unang pagkakataon, may taong nagtanong sa akin ng ganoong klaseng tanong. Pakiramdam ko, ang ipinatayo kong harang para sa mga sikreto ko ay unti-unting inaakyat ng isang estranghero. Nakaramdam rin ako ng kaunting takot, takot na baka sa isang iglap, makapasok siya sa ipinatayo ko.

SQUASH: Huwag ka nang magtanong.

FIVEMONTHS: Bakit?

SQUASH: Akala ko ba gusto mo makipag-usap? Bakit parang gusto mo lang magtanong tungkol sa akin? Pasensya na miss pero hindi na ako magsasabi ng personal information ko sa 'yo.

FIVEMONTHS: Aray brad. Lalaki ako. Hahahaha!

SQUASH: Lalaki ka!?

FIVEMONTHS: Haha. Oo. Mukha lang ng babae ang nilagay ko profile ko kasi baka sabihin ng mga readers ko na kaya lang ako nagsusulat ay para maging sikat. Alam mo na, kadalasan kapag lalaki ang nagsusulat, agad napapansin. Gusto kong magkaroon ng readers, hindi fans. I want to be an author, not an actor.

SQUASH: What the hell.

FIVEMONTHS: Bakit?

SQUASH: It doesn't make any sense. Ano lang kung makilala ka? I mean, okay lang naman na sabihin mong lalaki ka kasi 'yun ka naman talaga. So you mean, kadalasan hindi napapansin ang babaeng writer ngayon sa wattpad?

FIVEMONTHS: It makes sense. 'Di ba kadalasan babae ang reader?

SQUASH : Whatever, I get your point na. Pero seryoso, bakit gusto mo makipag-usap? Hindi naman siguro dahil nalaman mong pipi ako right?

FIVEMONTHS: Actually gusto ko lang ng kausap. Pucha kasi 'tong mga tao rito sa loob ng bahay.

SQUASH: Bakit 'di ka na lang sa NG makipag-chat? O 'di kaya'y sa messenger?

FIVEMONTHS: 'Di naman ka-fling hanap ko. Hindi rin naman ka-date. Naghahanap ako ng matinong kausap.

SQUASH: Ang judgmental mo. 'Di naman lahat ng nakikipag-chat sa messenger or sa Near Group ay fling o date lang hanap. Kadalasan, oo. Pero makakahanap ka rin ng matinong kausap du'n.

FIVEMONTHS: So you tried those apps already?

SQUASH: Yeah. Kailangan ko kasi 'yun kung nagsusulat ako. I mean, nababasa ko sa newsfeed ko ang mga 'yun, kaya I tried for me to understand the rules. Dalawang beses lang naman, I didn't repeat na. Sobrang 'L' kasi nang naka-usap ko no'ng second time kong sinubukan. 'Langya.

FIVEMONTHS: Haha. See? Kapag dito sa wattpad, alam mo nang matino ang makakausap mo kapag nabasa mo na ang k'wento ng writer.

SQUASH: Okay, gets ko na. So ano, anong trip mo bakit gusto mong maglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa estranghero?

FIVEMONTHS: Mga barkada ko kasi puro abnormal. Kapag nagseseryoso na isa sa amin, paiinumin ka na. Hindi ako p'wede uminom ngayon, may review pa ako.

SQUASH: Ano then? Anong mayro'n sa bahay ninyo?

FIVEMONTHS: Away. Sabog mga kapatid ko. Nanay at Tatay ko, sigawan. Wala, kapagod lang. Lumabas ako.

SQUASH: Ah, tapos?

FIVEMONTHS: Tang'na, magkomento ka naman. Haha

SQUASH: Gago, huwag mo akong minumura.

FIVEMONTHS: My bad^____^

SQUASH: Nakikinig ako. I'll have to know the story first before commenting. Bakit naman ako magkokomento kung hindi ko pa nababasa ang isang k'wento right? You're a writer, you should know that.

FIVEMONTHS: Haha. Oo na nga lang. Ang cute mo.

SQUASH: B'wisit ka.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Akala ko ba walang murahan. 'Di ba dapat mahalan lang?

SQUASH: Sabog ka na rin 'ata.

FIVEMONTHS: Just kidding. You're too uptight, relax lang kasi. Ang seryoso mo.

SQUASH: Huwag ka nang magpapadala ulit ng message!

FIVEMONTHS: Ito naman. Galit agad.

Imbes na mag-reply, nag-exit na ako sa wattpad. Akala ko 'yun na ang huli, hindi ko alam na doon pala magsisimula ang lahat.

****

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon