Muntikan ko nang mahulog ang pinahiram sa akin na phone ng kaibigan ko. Bigla-bigla na lang kasi na nagpop-up ang username ni Fivemonths sa screen ko. Kung kailan hindi ko siya inaasahan, saka siya nagparamdam. Limang araw na wala siyang mensahe.
FIVEMONTHS: Hooorrraaaay!
FIVEMONTHS: Sa wakas!
FIVEMONTHS: Hello Squash! Namis kita, ako ba namis mo?
FIVEMONTHS: Squashy!
FIVEMONTHS: Kalabasa!
SQUASH: Buhay ka pa pala?
FIVEMONTHS: Woah! Hellooo!
FIVEMONTHS: Oo naman! Buhay pa:)
FIVEMONTHS: Buhay pa para sa bayan.
FIVEMONTHS: Buhay pa para sa bansa.
FIVEMONTHS: Buhay pa para sa mundo.
FIVEMONTHS: At higit sa lahat, buhay pa para sa'yo.
SQUASH: Ang daldal mo.
FIVEMONTHS: Hahahaha, hindi mo ba namis kakulitan ko?
SQUASH: No.
FIVEMONTHS: Weh?
SQUASH: Really. No.
FIVEMONTHS: Liar.
SQUASH: I'm not!
FIVEMONTHS: Sigurado ka?
FIVEMONTHS: Ako nga namiss ko 'tong koneksyon natin e'.
FIVEMONTHS: Imissyou without space! Hahahaha
FIVEMONTHS: Kilala mo pa ba ako?
SQUASH: Bakit nakalimutan mo ba kung sino ka?
FIVEMONTHS: Awts! Barado agad.
SQUASH: Didn't you know I'm good at saying sarcastic answers? Are you not learning anything?
FIVEMONTHS: I’m learning about important dates in history. Wanna be one of them? Hahaha.
SQUASH: I don't date strangers.
FIVEMONTHS: Kaya nga gusto kong magtanong ka tungkol sa akin.
SQUASH: Na-ah. Quit it.
FIVEMONTHS: Darating din araw na makikilala mo ako.
SQUASH: Not happening.
FIVEMONTHS: 'Di ako susuko. Haha.
FIVEMONTS: Oo pala, kumusta na? Ang tagal na simula nang makausap kita.
FIVEMONTHS: Sobrang miss na kita:(
SQUASH: Hindi ko tinanong.
FIVEMONTHS: Galit ka ba kasi ngayon lang ako?
SQUASH: Pakialam ko naman kung ngayon ka lang?
FIVEMONTHS: Eh bakit gising ka pa? Bakit nagreply ka agad?
SQUASH: Ano naman sa'yo?
FIVEMONTHS: Ang simple lang naman umamin Squash. Huwag mo nang itago, alam kong namimis mo rin ako. Hahahaha
SQUASH: Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.
FIVEMONTHS: Paano kung naniniwala akong namimis mo na ako?
SQUASH: Then go ahead, hindi ko naman hawak 'yang utak mo.
FIVEMONTHS: Paano kung naniniwala akong sa limang araw na nawala ako, nakatingin ka lang sa laptop o phone mo at naghihintay sa aking pagdating?
BINABASA MO ANG
WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)
Humor#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Everyone thinks that she's just imaginative that's why her novels are tragically vivid and skillfully written. No one knows that her masterpie...