Habang nakatambay rito sa 24/7 bakeshop, kaharap ko ang aking laptop. Tapos na rin naman kasi ang duty ko. May gusto akong idugtong sa k’wentong ginagawa ko ngunit ‘di ako makahagilap ng mga salita. Kanina pa ako nag-iisip kung paano sisimulan ang susunod na chapter nitong isinusulat ko pero hindi ko magawa. Gustung-gusto ko na itong tapusin kaso wala, napako na ako sa blangkong papel na nasa aking harapan.
Ito ang mahirap sa akin, kung wala sa katinuan ang utak ko, hindi na ako makakabuo ng ideya o bahagi ng nobelang ginagawa ko. Instead of wrecking my brain from thinking, I opened my wattpad account. Alas-nuebe pa lamang ng gabi kaya tumingin muna ako ng magagandang k’wentong babasahin.
Tumingin ako sa mga sikat na nobela. As I scan some reading lists, napaisip ako. Bakit kaya unti-unti nang nawawala ang mga magagandang aklat sa komunidad ng wattpad? Bakit kaya may nagsusulat ng libro na wala namang makukuhang aral ang mambabasa? Bakit may mga libro na puro kahalayan lang ngunit wala namang k’wento? Where is the essence of writing now? Kakaunti na lamang ang mga manunulat sa Filipino na talagang pinag-iisipan at isinasapuso ang gawang nobela.
Siguro tama nga ang sinabi dati ng isang manunulat. He said that some writers took years before they realized that they really have no talent in writing. And by the time they realized it, they just couldn’t give up because they are too famous.
And why am I even concern now?
Natawa ako sa aking sarili. Wala namang nakakarinig sa akin kahit mag-isip ako ng kung anu-ano.
Imbes na magpatuloy pa na magbasa, nagbukas na lang ako ng mga mensahe. Saktong pag-scroll ko, isang message na sinundan pa ng marami, ang lumitaw sa notification ko.
FIVEMONTHS: I really love 10:00 pm!!!
FIVEMONTHS: Daily dose of Squash is real!!
FIVEMONTHS: SQUUUAAASSH!!!
FIVEMONTHS: I’m back! Ten o’clock na. It’s our time to be connected!
FIVEMONTHS: Kumusta ka? Okay ka na ba? Kumusta kagabi?
FIVEMONTHS: I know nakauwi ka ng safe.
SQUASH: Paano mo nalaman na safe ako?
FIVEMONTHS: Woah!
FIVEMONTHS: Is it real? Is it real?
FIVEMONTHS: Nesfruta at your service:))) Ahihihihi
FIVEMONTHS: Pero wow talaga! Ang bilis ng reply mo!
FIVEMONTHS: Kasing bilis ng tibok ng puso ko. Hahahahaha
FIVEMONTHS: Hinintay mo akoooooo?
FIVEMONTHS: Hah? Hinintay mo ako? ‘Diba? ‘Diba?
FIVEMONTHS: On time ka ngayon! Ayiieee!
FIVEMONTHS: At dahil d’yan, may na-avail kang free wish galing sa akin.
SQUASH: Ang dami mong sinabi. Tinatanong ko lang kung bakit mo alam na safe ako nakauwi. You’re crazy and weird.
FIVEMONTHS: \(^・ᵌ・^)_/
FIVEMONTHS: Nababaliw kasi ako sayo. Legit!
FIVEMONTHS: Ang saya saya ko.
FIVEMONTHS: Happylayp:D
FIVEMONTHS: (✿ ♥‿♥)
SQUASH: Ang hype mo.
FIVEMONTHS: Anong magagawa ko? Dumating ka sa buhay ko.
SQUASH: You’re getting weirder each day. But seriously, how?
FIVEMONTHS: How ang alin?
SQUASH: How did you know?
BINABASA MO ANG
WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)
Humor#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Everyone thinks that she's just imaginative that's why her novels are tragically vivid and skillfully written. No one knows that her masterpie...