WH25

821 41 3
                                    

I’m rubbing my hands down my face to erase my nervousness. I’m trying to mentally psych myself into believing that this is perfectly normal. That this feelings are normal. It’s not crazy. It’s not.

Breathe, Silhouette. Breathe. Your lungs need new air. 

Naririnig ko ang tawanan mula sa labas ng bintana sa aking kuwarto. Ang pinakamalakas ay ang halakhak ni Reigan. Parang may plano silang hindi ko alam. Gusto kong lumabas upang malaman ang ginagawa nila ngunit hindi puwede.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahan-dahang inilapit ang aking tenga sa bintana dahil hindi maalis ang kung anu-anong negatibo sa utak ko. Wala pa naman ang mag-aayos sa akin.

“Sabihin mo nga sa akin, lumuwag ba ang turnilyo ng utak mo o talagang nababaliw ka na? Pare, mukhang kailangan mo na yatang magpatingin sa psychiatrist.” Boses iyon ni Reigan.

Tumawa si Winther. “Mauna na nga kayo sa simbahan. Huwag na ninyong pakialaman ang plano ko.”

“Hindi p’wede, Winther,” sabat ni Artemis. “I won’t risk my bestfriend’s life. Hindi pa niya gamay ang gusto mong ipagawa.”

Anong hindi ko pa gamay? Ang alin ba ang tinutukoy ng kaibigan ko? Ano bang pinag-uusapan nila? Anong pinagsasabi ni Artemis na 'risk my bestfriend’s life? May gagawin ba ako? Baliw ba sila?

“Pangako, darating kami nang buhay sa simbahan. I won’t let something happen to us. Sa tingin ninyo, ipapahamak ko siya?” It’s Winther’s voice.

Sumasakit balikat ko dahil sa taas ng bintana. Nakatingkayad pa ako. Pinilit ko pa rin na makinig ngunit halos bulungan na lamang ang aking naririnig.

What are they talking about?

Haist.

I stopped listening to their whispers. Wala lang din namang silbi dahil hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan.

Pagkaupo ko, sakto namang dumating ang mag-aayos ng aking buhok. Kasabay nito ay ang pag-andar ng kotse ni Reigan. Siguro ay si Five na lang ang natitira na kasama ko. Sabay na kaming pupunta sa simbahan.

Habang inaayusan ako ng pinsan ni Artemis, hindi ko maiwasang kabahan. Ang dami kong iniisip. Ang daming 'what ifs' sa aking utak. Hindi dahil sa ayaw kong magpakasal kundi dahil sa takot na hindi ko ma-meet ang standards ni Winther.

“I-text po ninyo siya,” biglang sambit ng nag-aayos sa akin.

“Hah?”

“Text or tawagan mo muna si Winther para mahimasmasan ka. Baka makatulong para mabawasan ang kaba mo. Gan’yan din ako noong nagpakasal ako,” sagot niya.

Halata niya rin pala na kabado ako. Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. I grabbed my phone beside the mirror and texted Winther.

ME: Hey.

As soon as I hit the send button, my heart began to tremble. Hindi na ako naghintay nang matagal, agad akong nakatanggap ng reply.

FIVE: Is there something wrong?

ME: I’m nervous.

I told the truth. Siguro naiintindihan niya naman kung bakit.

FIVE: Tawag ako.

Nanlaki ang aking mata. Bigla akong nataranta at napindot ang reject button. Ano bang nangyayari sa akin? Mukha akong tanga, si Winther lang naman ang tatawag. Bakit ba ang lakas ng tibok ng abnormal na pusong ‘to?

“Okay ka lang Miss Sil?”

“Yeah. Huwag mo akong pansinin.”

Napangiti siya. “Wala ka pang blush-on, nagba-blush ka na. Mahal mo talaga siya, ano?”

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon