Napataas ako ng kilay nang buksan ko ang wattpad application ko. Habang nasa jeep ako pauwi, naisip ko itong buksan. Tumambad sa message board ko ang isang pangungusap galing kay Five.
"I often write about 'me' before. But when you exist in my life, 'me' changed to 'you'. I hope, someday, 'me' and 'you' will become 'us'."
May mga readers akong nag-react. Marami rin ang nagtatanong kung sino siya. Walang'ya talaga! Ugh! P'wede namang sa inbox ko na lang, bakit sa message board ko pa?!
Buburahin ko na sana pero hindi ko lang din itinuloy. Binuksan ko na lang ang inbox ko, and as usual, he has messages.
FIVEMONTHS: Squash!
FIVEMONTHS: Huhuhu. Nagpa-late ako ng tatlong minuto pero ako rin pala ang unang magme-message.
FIVEMONTHS: Parang sa school lang, 'yung akala mo late ka na, mas may late pa pala:D
FIVEMONTHS: May nagawa akong song! Reply ka se-send ko sayo. I need constructive criticism.
FIVEMONTHS: Squash! Sa'n ka na?
FIVEMONTHS: Huwag mo sabihing magre-reply ka lang kung malapit na namang matapos ang isang oras?
Kagabi, naisip kong sakyan na lang ang trip niya. Somehow, he's making an extraordinary effort to accompany me even just for an hour. I don’t want to care. But it seems like I care. Damn! Hindi ko alam, basta ang alam ko, nagkakaroon na 'ko ng pakialam.
SQUASH: O?
FIVEMONTHS: owemgee!
FIVEMONTHS: Nandito ka na!
FIVEMONTHS: {♡ᴗ♡}
SQUASH: And?
FIVEMONTHS: Yes! Umaasenso tayo ah! Madalas ka na mag-reply. Hahahaha.
SQUASH: Tapos?
FIVEMONTHS: Bakit ganu'n? Ang simple nang reply mo pero ang saya-saya ko pa rin?
SQUASH: *ng
FIVEMONTHS: Ha?
SQUASH: 'Yung gramatika mo. Dapat hindi 'simple nang' kundi 'simple ng'.
FIVEMONTHS: Hahahahaha. Sorry kalabasa ko:p
FIVEMONTHS: Na-lowgets ako(´。•᎑•')
FIVEMONTHS: Nalilito pa rin ako sa paggamit sa 'ng' at 'nang'. Alam mo na, halos lahat ng sinusulat ko English.
FIVEMONTHS: May mapapayo ka ba d'yan?
SQUASH: Ewan.
FIVEMONTHS: Sige na. Paturo:(
FIVEMONTHS: Pleasssseeee.
SQUASH: 'Di ko alam kung makukuha mo.
FIVEMONTHS: Mabilis ako matuto. Natuto nga akong mahalin ka e.
SQUASH: Dafak!
FIVEMONTHS: Badword:(((
SQUASH: So?
FIVEMONTHS: Wala naman. Pero katuwa lang. 'Yung puso ko ang lakas ng tibok kapag nakikita kong may message ka kahit simple. Hahaha.
SQUASH: Yuck ka talaga e' 'no? Kung ako gf mo hiniwalayan na kita. Ang baduy mo.
FIVEMONTHS: (⊙_⊙')
FIVEMONTHS: ┗(^0^)┓
FIVEMONTHS: O____O
Hindi ko sana papansinin ang reaction niya nang ma-realize ko ang sinabi ko. Holy crap! Para na akong nangisda ng impormasyon tungkol sa lovelife niya. Damn!
BINABASA MO ANG
WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)
Humor#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Everyone thinks that she's just imaginative that's why her novels are tragically vivid and skillfully written. No one knows that her masterpie...