Malapit nang graduation, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Winther. Baliw na ‘yun, kung kailan siya umamin, saka nang-iwan. Isa rin ang abnormal na Five, hindi na siya nagpapadala ng mensahe. Pareho silang nawala na parang bula.
Wala silang paninindigan. Ginawa nila akong boredom killer. Kung kailan sila bored, saka sila magpaparamdam. Nakakainis.
“Alam mo ‘yun?! Nanligaw siya tapos iiwan lang pala ako kung kailan nakahanap nang iba? Imba!” naiinis na maktol ng kaibigan ko. Kanina pa siya nag-i-sketch pero wala siyang matapos-tapos. Hindi na rin nito pinakialaman ang subjects niya sa humanities.
Bigla na lang kasi na sumuko ang manliligaw niya. Wala pang dalawang linggo, bumitaw na, kung kailan nahulog na ang kaibigan ko.
"Kung laban, ilaban at ipaglaban niya. Hindi p‘wede yung ngayon lalaban siya tapos bukas binabawi na niya!" muli nitong saad. Alam kong kailangan na naman niyang magsalita upang mailabas lahat ng kan'yang hinanakit kaya nakinig lang ako.
Matapos ang dalawang oras, mag-isa na lang ako ulit sa k‘warto niya. I opened my account in wattpad at exactly 10:00pm. I was shock to see a message from Five.
85 Days Left
FIVEMONTHS: Helllooooooo!
FIVEMONTHS: Squash! Namiss kita!
FIVEMONTHS: I’m here again!
SQUASH: Manggugulo ka na naman?
FIVEMONTHS: Woah! Nag-reply ka agad! Parang hinintay mo talaga ako!
SQUASH: Tapos?
FIVEMONTHS: Squash! Ngayon lang ‘to nangyari! Naiintindihan mo ba?You just made my day complete! Happylayp! Hahaha
FIVEMONTHS: Reply at exactly 10:00 is real!
FIVEMONTHS: Huy!
FIVEMONTHS: Alam mo bang hinintay ko ang pagkakataon na ‘to?
FIVEMONTHS: I spent my days thinking if you’ll still reply if I come back.
FIVEMONTHS: Araw-araw habang nasa loob ako ng isang k’warto, wala akong inisip kundi kumusta na si Kalabasa.
FIVEMONTHS: Alam mo bang...
SQUASH: Hindi pa.
FIVEMONTHS: Hintayin mo kasi muna ang reply ko!
SQUASH: Shut up ka muna p’wede?
FIVEMONTHS: Huhuhuhu
FIVEMONTHS: Ngayon na nga lang tayo nagka-chat e’.
FIVEMONTHS: Ang unfair mo naman.
FIVEMONTHS: Mamatay-matay na ako kakaisip kung kumusta ka tapos wala lang pala?!
SQUASH: Teka lang. I’m thinking.
FIVEMONTHS: Mahal ka nu’n, huwag mo masiyadong isipin. Hahaha
SQUASH: Sa tingin mo ba ikaw iniisip ko? Huwag kang assuming ‘uy.
FIVEMONTHS: ‘Di ako assuming. Hindi ko rin naman sinabi na ako iniisip mo. Ikaw lang nag-aasume.
SQUASH: Bakit, sino ba alam mong iniisip ko?
FIVEMONTHS: Bakit sino bang nasa isip mo na iniisip ko?
SQUASH: Ang tino mong kausap. Thank you.
FIVEMONTHS: Walang anuman. (^____^)
SQUASH: Ewan ko sa’yo.
FIVEMONTHS: Ano bang iniisip mo maliban sa akin?
SQUASH: Assume pa.
BINABASA MO ANG
WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)
Humor#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Everyone thinks that she's just imaginative that's why her novels are tragically vivid and skillfully written. No one knows that her masterpie...