CHAPTER 2

65 1 1
                                    

Sally's POV

"Bitawan mo nga ko!"

sabay bawi sa kamay ko.

"Anong pinagsasabi mong Promise? Girlfriend? Pahirapan? Nababaliw ka na ba?"

"Gusto mo bang iuntog kita para malaman mo kung anong nangyari kanina?"

"E ano bang nangyari kanina?"

"Sabi mo gagawin mo yung gusto ko kapalit ng glasses mo"

The hell! Biglang nag flashback lahat ng nangyari kanina.

"Hindi ako papayag! Ikaw magiging boyfriend ko? Ew"

"Choosy ka pa a! Kung ayaw mo! Edi papahirapan nalang kita"

"I dont care! Pahirapan mo kung gusto mo!"

Nag walk out nako! Hinding hindi ko pagaaksayahan ng panahon tong lalakeng to. Nawalan na tuloy ako ng gana magshopping.

"Wake up na anak!"

sigaw sakin ni mama mula sa pintuan ng kwarto ko.

Ngayon ko nalang ulit nakita si mama, ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi malamang busy siya sa pagmamanage ng company namin.

"Im sorry nga pala kung hindi ako nakakauwi a, busy si mother earth mo e"

sabi ni mama habang naghahain ng breakfast namin.

"Okay lang yun ma! Pero sana wag mo masiyadong pagudin sarili mo a"

"Don't worry anak! Aalagaan ko parin sarili ko. Tama na ang talk kumain na tayo!"

After naming mag kamustahan nagpahatid nako sa driver namin papuntang school. Medyo traffic dahil sa mga nagrarally pero thank god di ako nalate ayokong umupo sa labas ng classroom habang nag lelesson yung first period teacher namin.

"Im sorry Mrs. Rodriguez, bawal napo kayo pumasok simula ngayon"

"The fuck? Im sorry, i mean.. Bakit?"

"Utos lang po ng nakakataas. Kung gusto niyo lang po siya makausap punta nalang po kayo sa 6th floor at ibigay tong card sa guard, he is expecting na pumunta ka"

Whos he?? At sa pagkaka alam ko bawal na bawal pumunta sa 6th floor a.

Hindi kaya demonyo yung nasa 6th floor, diba 666?? Aba! Nababaliw na yata ako.

"Wait wait wait.. Aba san ka pupunta? Alam mo ba na ang number 1 rule ay ang WAG NA WAG PAGPUNTA DITO!"

"Ay manong! Napagutusan lang po"

inabot ko sa kanya yung papel para tumahimik na siya.

"Im sorry! Pasok nalang po kayo maam"

aba biglang umamo!

Medyo creepy yung place kasi all black yung room and dumagdag pa yung mga creepy pictures na nakalagay sa wall.

"Kanina pa kita hinihintay!"

What? Yung boses na yun?

"Teka? Ikaw???"

"Yes! Ako nga. Sabi ko sayo diba papahirapan kita"

"Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil sa mga ginagawa mong to?"

"Go!"

"And alam mo aalis nalang ako! Wala nakong pake kung paalisin moko dito!"

"Lilipat ka ng school?"

"Yes! Sa laki ng lugar nato, hinding hindi ko ipagsisiksikan yung sarili ko sa school mong hayop ka"

"Tignan moto"

inaalok niya sakin yung folder na hawak hawak niya

"Ano naman yan?"

tinignan lang ako ni loko.

TOTOO BATO?

Owner siya ng mga school dito sa buong area na tinitirahan ko. Makikita sa picture na kasama siya sa bawat opening.

"Isa lang naman yung kailangan ko e! Ang maging Girlfriend kita"

I'm In Love With A GangsterWhere stories live. Discover now