CHAPTER 13

30 1 0
                                    

Sally's POV

Mag 2 linggo ko ng hindi nakikita si Troy, simula nung nangyari yung pagtatapat ko sa kanya hindi ko na siya nakita pa ulit. Lagi akong pumupunta sa 6th floor pero lagi siyang wala dun. Sa tuwing tinetext ko siya or chinachat hindi siya nagrereply, iniiwasan niya bako? Akala ko ba seryoso siya sakin, pero bat ganon? Kaya natatakot ako e. Kasi natatakot ako sa mga pangyayari na katulad nito.

Natatakot akong ibigay yung sarili ko sa isang tao kasi baka saktan niya lang ako. Pinagkatiwalaan ko si Troy, binigay ko yung sarili ko sa kanya pero bakit niya ginagawa to sakin ngayon.

Ang tanga tanga mo talaga Sally! Bakit ka umasa?! Bakit pako umasa na mamahalin niya talaga ako ng tunay.

Para bang nawala yung kalahati ng puso ko, para bang nawawala yung kalahati ng pagkatao ko.

Buong araw nagisip lang ako, iniisip ko kung bakit niya nagawa yun? Alam niya naman niya na ayaw ko na ulit pang masaktan pero ginagawa niya padin.

Akala ko pa naman totoo na, akala ko pa naman mahal niya na talaga ako. Pero bakit ganon? Bakit siya nagsinungaling? Bakit di siya nagpapakita? Bakit niya ko iniiwasan?

Ang dami kong bakit sa isip ko na kailangan na ng kasagutan.

Akala ko ba seryoso siya sa bawat salita na lumalabas sa bunganga niya pero bakit ganon bakit niya ko sinasaktan ng sobra ngayon.

Sana pala hindi ko nalang inamin, at tinago ko nalang para hindi nako umasa.

*Kringg*

tumunog na yung bell ibig sabihin recess na. Ang dami kong iniisip pero buti na ngalang nandito si Luke para pasayahin ako.

"Luke"

"O bakit?"

"Seryoso kaba sakin?"

para bang may sariling buhay yung dila ko at hindi ko na napigilang magsalita.

"Oo naman! Seryoso ako sayo, gustong gusto kita Sally. At gusto kitang pasayahin habang buhay kasi gusto ko laging nakikita yang magaganda mong ngiti!"

Para bang kami lang dalawa ang naguusap dito sa cafeteria, tinitignan ko yung mata niya at mukha nga siyang seryoso....

pero ganyan na ganyan yung mata ni Troy habang kinukuha niya yung tiwala ko. Mas lalo pa tuloy akong natakot, kasi pakiramdam ko sasaktan lang ako ng lahat ng lalaki sa buhay ko.

Nginitian ko lamang siya, tumulo na lang bigla yung luha ko ng hindi ko namamalayan.

"Sana naman seryoso ka, kasi pagod na pagod nakong masaktan e. Pagod na pagod nakong umiyak so sana seryosohin mo na ako"

Niyakap niya ko.. At sa yakap na binigay niya sakin nabawasan ang sakit na dinadamdam ko.

"Maniwala ka sakin Sally, hindi naman lahat ng lalaki sasaktan ka"

"Sana nga wag mokong saktan"

Dinala ako ng paa ko sa Hospital kung saan naroon ang mga kaibigan ni Troy, siguro naman nandito pa yata sila.

"Sally?"

boses ni MJ yun a.

"Uy MJ!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hinahanap ko si Troy, baka kasi nandito siya"

"Wala siya dito Sally"

"E nasan siya?"

"Nandun siya sa bahay niya, nagiinom na naman. Nagaway ba kayo?"

hindi niya ba alam na hindi naman talaga tong relasyon namin?

"Hindi ah! Pwede mo bakong samahan sa kanila?"
.
.
.
.

Nakarating kami sa bahay ni, yung bahay niya wala pa sa kalahati ng bahay namin.. Napakayaman nga niya.

"May kasama ba siya dito?"

"Minsan meron, minsan kasama niya mga kasambahay niya pero. Pero wala talaga siyang kasamang kapamilya niya"

Binuksan ni MJ yung bahay at pumasok na kami at ayun yung mokong at nagiinom..

"Pwede mo ba kamjng iwan MJ?"

"Aba sige!"

Nilapitan ko si Troy at tinabig yung baso na may lamang alak kaya nabasag ito, gumawa to ng malakas na tunog sa buong bahay.

"Teka. Bat mo ginawa yun Sally? Tignan mo tuloy, ang kalat"

tumayo siya at lilinisin niya na sana yung kalat.

"Wag mo ngang iniiba yung kwento"

tinulak ko siya pero hindi niya parin ako pinapansin

"Bakit moko iniiwasan?! Bakit moko hindi pinapansin?! May nagawa bako sayo, kasi sa tingin ko wala naman e!"

hindi niya parin ako pinapansin.

"Hoy! Tignan mo nga ko! Bat mo ba ko iniiwasan!!"

wala padin siyang kibo.

"Tangina! Pansinin mo nga ko Troy!"

"ANO BA?! BAT ANG KULIT KULIT MO?!"

"Bakit mo ba kasi ako sinasaktan ngayon?!"

bigla nalang nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko.

"Bakit mo ba ko ginaganto? Umasa ako Troy na mamahalin moko, umasa ako na hindi moko sasaktan kasi nga nagtiwala ako dun sa mga sinabi mo pero bat ganto? Bakit hindi moko kinakausap? Bakit moko iniiwasan? Bakit?! Kasi mababaliw nako kakaisip Troy?!"

"Sagutin moko!"

"Ano ba?! Sagutin mok---"

"Ayokong masaktan ka!! Nilalayuan kita kasi alam kong nasa piligro ka pag kasama mo ko, ayoko kitang masaktan Sally. Kahit na sobra akong nasasaktan ngayon kasi nga iniiwasan ko yung taong mahal ko tinitiis ko kasi alam kong sa ikakabuti mo din to.. Sally mahal kita! Pero hindi ka nasa mabuting kalagayan pag malapit ka sakin! Ayokong maulit yung nangyari sayo, ayokong makuha ka pa nila ulit kasi ikakamatay ko kapag napahamak ka. Mahal kita Sally!"

napaiyak nalang ako sa lahat ng sinabi niya..

"Sorry Sally kung nagawa ko to sayo! Pero kailangan ko tong gawin para sa ikakabuti mo"

"Wala akong pake Troy!"

sumigaw ako.

"Wala akong pake kung mapahamak ako! Ang mahalaga ang makasama kita Troy, gusto kitang makasama habang buhay. Kasi nga mahal na mahal na kita!"

Hinawakan niya ang pisngi ko at tinignan ako sa mata..

"Mahal na mahal din kita Sally, at patawad kung nagagawa kitang saktan ng sobra"

Hinayaan ko nalang siyang halikan ako.. Gumanti ako ng halik, ewan ko ba at gustong gusto ko ang mga halik niya.. Kung pwede nga lang ay hindi na kami tumigil.

Binuhat niya ko papunta sa kwarto niya at inihiga niya ko sa kama niya...

Ipinagpatuloy namin ang ginagawa naming paghahalikan kanina, siguro nga dito na mawawala ang virginity ko.. Sa kanya ko na nga ibibigay ang panguna ko..

Ramdam na ramdam ko ang init ng katawa niya habang hinahalikan niya ko. Ngunit tumigil siya tinignan ako sa mata.

"Matulog kana! Dito nako sa lapag, ako ng bahalang magpaliwanag kay mommy bukas kung bakiy ka late umuwi"

Hinalikan niya ko sa noo at kinumutan.. Mas kinikilig tuloy ako ngayon, kasi nirespeto niya ko at hindi niyang hinayaan ang sarili niya na lamunin ng libog.

"Goodnight Wifey!"

sabi niya.

"Goodnight din Hubby! I love you"

"I love you too Wifey"

I'm In Love With A GangsterWhere stories live. Discover now