Chapter 25

21 1 0
                                    

Sally's POV

Naglalakad ako papasok ng school, naisipan ko kasing pumasok ng maaga kaya naglakad nalang ako tutal malapit lapit nalang naman yung bahay namin sa university e.

Hanggang ngayon kinukulit padin ako ni mama na pansinin si papa pero ewan ko ba, hindi ko pa siya kaya harapin.

May humintong puting van sa harap ko at biglang nagsibabaan ang mga taong naka mask at lumapit sa direksiyon ko.

"Teka sino kayo?"

sumigaw ako pero nilagyan na nila ako kaagad ng panyo na may nakakaantok na amoy.

*****

Nagising nalang ako sa isang abandonang gusali, napakadumi at halatang matagal ng hindi ginagamit to. Lahat ng makikita mo ay nababalot ng kalawang.

nakakapagtaka lang kasi sa pagkakaalam ko wala ng mga pythons pero sino kaya tong dumukot sakin.

Nakita ko ang mga babae na naglilipstick habang nakatingin sakin. Ano na naman bang nagawa kong kasalanan at may nagpapadukot na naman sakin.

"Sino kayo? At anong problema niyo sakin at pinadukot niyo ako?"

"Well, hindi naman talaga kami yung may gusto na dukutin ka"

"Pwes sino?"

"Ako"

yung putanginang boses nayan.

"Jessica? Ano na naman bang nagawa ko"

sigaw ko.

"Wala naman, pero naiinis padin talaga ako sayo. Kasi ikaw masaya tapos ako malungkot, hindi pwede yun Sally my girl!"

"Baliw ka na talaga! Kayong lahat baliw na!"

"Pinadukot moko dahil lang sa hindi ka na mahal ni Troy ay, correction.... Hindi ka nga pala talaga minahal ni Troy"

"How dare you!"

sinampal niya ko ng sobrang lakas na naglikha ng napakalakas na tunog sa buong gusali.

Ramdam ko yung pagkirot ng pisngi ko dahil sa sampal ni Jessica.

"Hindi padiyan nagtatapos yung pagpapahirap ko sayo"

lumapit sakin yung mga babae at tinanggal yung mga tali sa katawan ko.

"Go girls!"

sigaw ni jessica.

Sinabunutan nila akong lahat at pinagsasampal, napakadami nila kaya hindi ako nakakaganti. Ramdam ko yung bawat sapak at sampal na binibigay nila sakin, alam ko na ilang buhok nadin yung nalagas sakin dahil sa pagsabunot nila. Troy tulungan moko.

Naramdaman kong tumigil sila at nagsimula ng magsialisan.

"We nakuha ko na yung gusto ko Sally, btw Sally wag ka ng umasa na makikita mo pa ulit si Troy"

Naglakad na sila palabas ng gusali, at heto ako naiwang naghihingalo.

Nakita kong bumukas ang pinto ng gusali, wala akong masiyadong nakikita dahil nga hindi ko na suot yung salamin ko.

Tanging anino lamang ng lalake ang nakikita ko.

"Troy ikaw bayan?"

tangi kong nasabi pagkatapos ay nawalan na ako ng malay.

....................

Troy's POV

Agad kong pinuntahan yung lugar kung saan sinabi ni Jessica na nandun daw si Sally.

Pagpasok ko ay sinigaw ko agad ang pangalan ni Sally pero walang nasagot.

Naglakad pako papasok ng lugar para hanapin si Sally at bumungad sakin ang mga babaeng may mga hawak na baril at nakatutok sa direksiyon ko.

Nakita ko si Jessica sa gitna at nakapameywang at tinitignan ako ng masama.

"Nasaan si Sally?"

"Well Troy my love, na fall ka sa trap ko"

ano bang sinasabi niya.

"Nasa ibang lugar si Sally wala siya dito, at ewan ko lang kung buhay pa siya pagkatapos naming bugbugin siya"

"What?! Wag na wag niyo siyang sasaktan! Mapapatay ko kayo"

"Pwes nasaktan ko na siya Troy"

Ngumisi si Jessica at hinugot ang isang baril mula sa likod ng palda niya.

Tinutok niya ito sakin at ngumisi ng napakalaki.

"Goodnight Troy my love, sweet dreams"

naramdaman ko ang pagdampi ng bala sa dibdib ko.

nanlabo ang paningin ko at napahiga ako sa sahig.

......................

I'm In Love With A GangsterWhere stories live. Discover now