Chapter 16

30 1 0
                                    

Sally's POV

Maaga akong bumangon para makapasok ng maaga lalo na at magko commute lang ako kaya mas maganda kung agahan ko na.

"O kain na anak!"

aya ni mommy

Umupo ako at kumain, ang sarap ng ulam!

"Mommy! Kamusta na po yung company?"

tanong ko.

"Nahihirapan pa din tayong bumangon anak, hindi pa kasi lahat ng pinagkakautangan ng kumpanya ay bayad na. Sinisingil na nga tayo e kaya baka isuko ko nalang yung kumpanya"

biglang lumungkot yung mukha niya.

"Aba hindi naman yata pwede yan mommy!"

tumayo ako at niyakap siya.

"Lalaban tayo ano kaba! Laban lang hanggang sa huli!"

sigaw ko.

"Sabi mo e! Sige laban lang"

Napangiti si mommy dahil sa mga sinabi ko, hindi ko mapigilang mapangiti din...

Hindi man malaki yung natutulong ko kay mommy pero alam kong nababawasan yung pagod niya dahil sa mga ginagawa ko at kailan man hinding hindi ako titigil na pasayahin siya.

*Tok tok*

Pumunta ako sa pintuan para pagbuksan ng pintuan yung kumakatok.

"Hubby? Anong ginagawa mo dito?"

"Susunduin ka hindi ba obvious?"

naka uniform siya kaya mas lalo pakong nagtaka.

"Akala koba sobrang talino mona? Bakit kapa papasok?"

"Siyempre! Masipag ako e"

"Ulol!"
.
.
.
.
"Wifey, magsasabay na nga pala tayo sa loob"

whattttt??

"Huh? Alam mo namang napaka heartthrob mo sa school e tapos magpapakilala pa tayo? Mas lalong dadami yung mga galit sakin"

"Wag kang magalala wifey! Lagi na kitang poprotektahan, at wala ng pwede pang manakit sayo! Malalagot sila sakin pag may ginawa silang masama sayo!"

hinalikan niya ko sa lips.

Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto, hindi ko mapigilan yung pagpula ng mukha ko dahil sa ginawa niyang paghalik sakin. Kasalanan mo to Troy e!!

Paglabas palang namin ng kotse pinagtitinginan na kami agad ng mga tao, nagbubulomg bulungan pa sila, para silang mga bubuyog! Mas lalo kong hinigpitan yung paghawak ko sa kamay ni troy, nakakakaba yung mga tingin ng mga tao sakin para bang gusto na nila akong balatan ng buhay.

"Wag kang kabahan wifey! Dito lang ako!"

bulong niya sakin na nagpakalma ng damdamin ko, feeling ko sobrang protektado ko habang hawak hawak ako ni troy para bang kahit lamok mamamatay kapag nilapitan ako.

Tumigil kami sa labas ng section ko, kitang kita mo naman yung mga kaklase ko na sobra makatingi na akala nila may kinakasal na Kabayo at Gwapo. Hindi naman ako panget no! Kaya nga mahal na mahal ako ng hubby ko e.

"Sige pasok nako hubby ko"

aalis na sana ako ng bigla niya kong halikan sa lips.

"Bye Wifey!"

sabi niya at umalis,  aba nakakadami nayun a!

Pumasok nako ng room dahil umalis nadin si Troy, wala pako sa upuan ko at binusog nako ng mga kaklase ko sa mga tanong nila.

"BAT KA NIYA HINALIKAN?"

"KAILAN PA NAGING KAYO?"

"BAT KA NIYA PINATULAN?"

ang chichismoso at chismosa talaga.

Hindi ko na sila pinansin at buti nalang dumating na agad yung prof namin kaya nagsibalikan na sa mga upuan nila yung mga kaklase ko.

Ang hirap talagang maging girlfriend ng isang TROY MONTEFALCO".

I'm In Love With A GangsterWhere stories live. Discover now