CHAPTER 8

32 2 0
                                    

Sally's POV

Teka bat ang liwanag... Patay na bako? Nasa heaven na ba ko?

"Hello?"

sino yan?

"Lord ikaw po bayan?"

"Hindi kapa patay haha!"

Inabot niya sakin yung salamin ko at nakita ko siya, teka ang pogi naman nito.

"Nakita kita sa labas kanina walang malay so dinala na kita dito sa clinic"

"Im Luke Grey nga pala"

ang pogi mo kuya, bat ba ang landi ko? nabugbog na nga e.

"Sally Rodriguez"

"Naaalala mo ba yung mga nangyari sayo kanina?"

"Hindi e"

nagsinungaling ako, kasi ayoko makarating kay mommy yung nangyari masiyado na kaming maraming problema.

"Mabuti ayos kana!"

ayos na ayos na yata ako no! may pogi ba naman akong makatabi na katulad mo.

"What time na nga pala?"

"3:00"

the heck hindi ako nakapasok.

"Ano hatid na kita?"

papakipot pa ba ko?

"Sure pogi"

"Huh? Sorry hindi kita narinig"

"I said sure"

Inalaayan niya ko sa paglalakad hanggang makarating kami sa kotse niya, ang gentlemen niya. Siya nagbukas ng car para sakin siya. Tapos kahit sa loob ng kotse hindi padin siya tumitigil sa pangangamusta sakin.

"Are you sure na okay kana?"

"Yes! Im sure. Salamat nga pala Luke a"

"You're welcome! Sige medyo late na, uuwi nako!"

Tinignan ko siya hanggang makaalis siya.

"WAHHHH!"

para akong hindi nabugbog. ewan ko ba kapag tinitignan ko siya nagbablush agad ako parang kapag tinitignan ko si Troy nagbablush din ako.

No! Wag na wag kang magkakagusto dun sa mokong nayun.

*Beep*

speaking of the devil

Troy: We need to talk. Meet me sa park ng village niyo.

Ano kayang nangyari dun at biglaan gustong makipagusap.

Malayo palang kitang kita ko na siya, pero this time napaka lungkkt ng mukha niya. May problema ba siya, hindi ako sanay na nakikita siyang malungkot.

"Hubby? May problema ba?"

Hindi siya nagsalita at tinignan niya lang ako.

Napakalungkot ng mga mata niya, yung labi niyang laging nakangiti ngayon ay nakasimangot. Anong nangyari Troy?

Niyakap niya ko.. And this time hindi ako pumalag kasi alam kong may problema siya ngayon.

Nararamdaman ko ang bawat pagpatak ng luha niya sa likod ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya, kahit sa yakap ko man lang ay mapabuti ko ang kalagayan niya.

"Nagkaroon ng away kanina, laban sa ibang gang at sa gang ko and 4 sa mga kaibigan ko ay sugatan at dalawa ay namatay dahil sa gun shot"

Napakalaki nga ng problema niya, nawalan siya ng dalawang mahahalagang tao sa buhay niya.

"Iiyak mo lang yan, nandito lang ako para sayo"

I'm In Love With A GangsterWhere stories live. Discover now