CHAPTER 6

36 1 0
                                    

Sally's POV

Pinapakaba lang talaga ako nitong kumag nato e. Kakausapin ba naman si mama e kala mo naman official talaga kami gawin niya kayang official, hays nababaliw na talaga ako.

"Hindi na ko nakapagluto e, kasi kanina lang sinabi ni Sally na pupunta ka"

"Okay lang po yun mama"

mama? what? fc din to e
"Ano nga bang pangalan mo?"

"Im Troy Montefalco po"

"Oh anak ka ng owner ng school?"

"Actually ako po talaga may ari nung school"

"Pano mo nagagawa yun? Estudyante ka palang pero humahawak ka na ng school"

"30 schools po ang hinahawakan ko ngayon"

pati ba naman kay mama sobrang hambog niya.

"Wow!"

"Maiba tayo anak, seryoso ka ba sa anak ko"

"Seryosong seryoso po"

kalmadong kalmado siya pero ako kanina pa nanginginig.

"Mahal na mahal ko po siya"

hinawakan niya yung kamay ko at tinignan ako sa mata.

"At ibibigay ko po ang best ko upang mapasaya at hindi ko man mapapromise na hindi ko siya masasaktan pero itatry ko parin ang best ko na hindi siya saktan"

Nakatingin lang siya sakin, bat ang perpekto ng mukha mo. Bakit ngayon ko lang narerealize na ang pogi mo kahit napaka hambog at manyak mo.

"Teka umiiyak ka ba mommy?"

"Hindi anak! Kinikilig lang ako. Ayokong makita niyo kong umiiyak kaya pumasok na kayo"

................

Troy's POV

Habang inaayos ng wifey ko yung bag niya kinausap ako ng mommy niya.

"Yan si Sally, napamahal siya sa papa niya kaya nung niloko kami ng papa niya sobra siyang nasaktan so please wag na wag mo siyang saktan at sana lahat ng sinabi mo kanina tupadin mo"

"Opo mama! Araw araw kong ipaparamdam sa kanya na special siya"

Ewan ko ba, para akong nakosensiya. Pinilit ko si Sally sa isang bagay na hindi niya gusto, trip trip lang dapat e titignan ko lang naman talaga kung gusto ko ba talaga siya o hindi kasi nung unang pagkikita namin ewan ko ba at nahulog agad ako sa kanya. Mahal ko na nga yata siya, at balang araw mamahalin niya din ako.

*Beep*

MJ: "Emergency pre! Nasaksak si Scott"

fuck..

"Hey! Wag ka ngang mag phone habang nagdadrive"

"Oh sorry!"

"Pag ako mamatay!"

"Magkasama naman tayong mamamatay e"

sinabi ko sa kanya sabay kindat, nakakagulat lang kasi bigla siyang namula haha.

Hinatid ko nalang siya hanggang sa labas ng gate, hindi muna ako makakapasok dahil nga sa emergency na nangyari.

"Di ka papasok?"

"Oo e! May emergency?"

"Girlfriend mo yung emergency no?"

nagseselos ba siya?

"Wag kang mag alala wifey ko, nagiisa ka lang!"

"Umalis ka na nga, nakakabanas na yung pagmumukha mo"

"I love you wifey"

"I love you too hubby"

lagi nalang siya nadudulas haha.

I'm In Love With A GangsterWhere stories live. Discover now