CHAPTER 2

25 4 0
                                        

Kelly' POV

"Ano po ba ang pangalan niya?" Tanong ko kay Sir.

Ngumiti muna siya bago ako sinagot.

"Mr. Kris Wu..."

Natahimik ako nang ilang sandali.

Kris Wu? Mayaman siguro siya para bigyan talaga siya ng effort ng dean.

"So, your decision Miss Choi?" Tanong naman ni sir saken at tumango naman ako at ngumiti, "Yes sir, payag ako"

Ngumiti din si sir at sumandal sa swivel chair. "There's one more thing, Miss Choi...." Seryoso niyang saad, "Don't ask anything about his family." Pagpapatuloy ni sir, kumunot ang noo ko pero hindi naman ako nagtanong pa, mukhang masyadong pribado ang impormasyong iyon at ayoko namang makialam sa buhay ng iba.

"Okay po sir," Sabi ko nalang.

"Miss Choi, maari ka ng umalis." Sabi ni sir sakin kaya tumayo na ako at pipihit na sana paalis ng may naalala ako, "Kelan pala papasok si Mr. Wu sir?" Tanong ko sa kanya at bahagyang nakalingon pa.

"Sa susunod na araw." Sagot naman ni sir kaya tumango nalang ako at nagpasalamat bago lumabas.

'Haaay! Pabor talaga sakin ang mga pangyayari sa buhay ko ngayon'

Hindi muna ako magiging student assisstant kaya pwede akong makasali sa gigs. 'Di ko naman siguro kailangan talagang paglaanan ng oras si Mr. Wu tulad ng pag-s-student assisstant ko.

Naramdaman kong may nag vibrate sa aking bulsa sa aking pantalon kaya kinuha ko ang  cellphone ko.

Joshua calling...

"Joshua," bati ko sa kanya.

"Kelly, may raket tayong papasukan mamaya, sama ka?"

"Tinatanong pa ba yan? Aba syempre!" Agad kong sagot at tumawa kaya natawa na rin sa kabila si Joshua.

"Sige, kita nalang tayo sa kanto dun sa boarding house mo."

"Sige Joshua, salamat talaga..." Masaya kong sambit.

"No problem.." pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya ang tawag kaya ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa aking bulsa.

***

Nakasuot ako ng skinny denim na high waisted jeans at white sleeveless na croptop at pinaresan naman ng white high cut shoes na gift sakin ni Eliteia.

Pinusod ko ang buhok ka paitaas na naging dahilan para ma-expose ang leeg at batok ko. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 5pm na kaya naman umalis na ako para makipagkita kina Joshua.

***

Umupo ako sa waiting shed habang hinihintay sina Joshua at ang kabanda niya. Hindi ako sumali sa kanilang bandang Equilibrium sa kadahilanang ang layo ng gig nila. 'Di ako pwede lumayo dahil baka mapabayaan ko ang scholarship ko.

"Kelly!!" Narinig ko ang isang sigaw ng pamilyar na boses kaya nilingon ko ito.

"Joshua.." ngumiti ako at tumango sa kanya at sinenyasan naman ako na pumasok sa van na sinasakyan niya. Lumapit ako doon at binuksan naman ni Zach ang pintuan. Si Zach ang gitarista ng kanilang banda.

Notes of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon