CHAPTER 4

27 3 5
                                    

Kelly' POV

Gumising ako nang iniinda ang pagsakit ng ulo. Tumigil muna ako sandali at ipinikit ng madiin ang mata baka sakaling mawala ang sakit pero nang dumilat ako ay ganun parin.

'Bakit ba kasi uminom pa ako kagabi! Alam nang mahina ang alcohol tolerance!'

Pinilit kong tumayo at pumunta sa cabinet para kunin ang medicine kit ko.

Nang mahanap ko ito ay binuksan ko ang naksaradong zipper at hinanap ko agad ang paracetamol o ibuprofen na makakapag-pawala ng hangover ko.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Nag-toothbrush muna ako bago ko ininom ang nakitang ibuprofen.

Kinuha ko ang aking towel bago pumasok sa banyo para maligo.

Nang matapos na akong maligo nagbihis na ako nang pantalon at t-shirt, pinusod pataas ang buhok at naglagay ng pulbo at lip tint bago lumabas nang bording house at naghanap ng masasakyang jeep.

***

Pagpasok ko sa gate ng SLU ay dire-diretso ang lakad ko papunta sa unang subject ko— ang Marketing.

Wala akong masyadong kilala sa klaseng ito kaya mas pinili ko nalang na kunin ang libro at mag-review sa susunod na lesson namin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang professor namin kaya umupo na ako ng maayos at naghintay na matapos ang klase.

***

Lunch break na kaya pumunta ako sa cafeteria sa pagbabaka-sakaling andun na sina Asthreya at Eliteia ngunit bago pa ako makarating sa cafeteria ay may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito at nakitang si Jesica ito. Isa rin sa scholar sa SLU.

"Tawag ka ni sir Andrada, punta ka daw sa Guidance Office." Sabi niya sakin kaya tumango ako at nagpasalamat.

Pumunta ako sa Guidance Office at kumatok bago pumihit papasok.

"Good afternoon, sir." Bati ko sa kanya at binati naman niya ako pabalik.

"Maupo ka Miss Choi." Aniya kaya umupo ako sa harapan niya.

"Ano po iyon, sir?" Tanong ko sa kanya at bumuntong-hinga naman siya.

"Bukas na ang pasok ni Mr. Wu kaya pinatawag kita dito para sabihin na 'wag ka na muna pumunta sa Library para gawin ang iyong responsibilidad." Mahabang esplika ni sir at tumango naman ako.

"You have to prepare for tomorrow. Assisst Mr. Wu for tomorrow, itour mo siya rito, tulungan mong maka-adjust siya sa environment natin dito." Sabi ni sir at ngumiti naman ako.

"No problem sir." Sabi ko sa kanya at ngumiti din naman siya.

"Okay, you can go now Miss Choi." He said kaya nagpasalamat ako sa kanya bago umalis.

Dumiretso na ako sa cafeteria at nakitang inip na inip sina Eliteia at Asthreya sa paghihintay sakin.

"Sorry guys na-late ako, pinatawag kasi ako ni Sir Andrada." Paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

"Salamat naman at dumating kana, gutom na kami." Mataray na sabi ni Asthreya kaya tumawa ako.

"Ano palang sadya ni sir Andrada sayo?" Tanong naman ni Eliteia at tumayo para umorder.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Notes of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon